QCPD Gen. Yarra, magpapa-‘tokhang’ ng mga gambling lords? Abangan!
- BULGAR
- May 25, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 25, 2021
KAPAG NAPAHULI NI GEN. YARRA ANG MGA MAGLO-LOTTENG NA SINA “PINONG” AT “DANIE”, NGAYON LANG MABABALITA NA MAY NAHULING GAMBLING LORDS ANG PNP—Umuusok sa galit si P/Gen. Antonio Yarra, director ng Quezon City police nang malaman niyang ginagamit ng mga ilegalistang sina alyas Pinong at Daniel ang kanyang pangalan para makapag-operate ng lotteng sa lungsod, at dahil d’yan ay ipinag-utos ng police general sa kanyang mga tauhan na dakpin ang dalawang gambling lords.
Aba, kung sakaling ma-“tokhang” sina “Pinong” at “Daniel” ay ngayon lang makakabalita ang publiko na may hinuling gambling lords ang PNP, abangan!
◘◘◘
DAKPIN ANG MGA GAMBLING LORDS NA NANRARAKET SA PANAHON NG COVID-19—Kapag natimbog ng tropa ni Gen. Yarra sina “Pinong” at “Daniel”, dapat tularan ito ng ibang police general, na ipahuli na rin nila ang mga gambling lords sa kanilang nasasakupan.
Sa totoo lang, dapat nang matigil ang raket ng mga ilegalista sa buong bansa na walang awa sa publiko, na kahit sa panahon ng krisis ay nagagawa pa nilang raketin ang mamamayan na kinukumbinse nilang tumaya sa kanilang illegal gambling na may daya, period!
◘◘◘
SANGKATERBANG KUBRADOR NI “JOHN YAP”, SANHI NG PAGDAMI NG KASO NG COVID-19 SA CAVITE, RIZAL AT LAGUNA?—Bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pero sa Cavite, Rizal at Laguna ay patuloy pa rin ang pagdami ng mga tinatamaan ng virus.
Hindi kaya ang dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang tinatamaan ng virus sa Cavite, Rizal at Laguna ay dahil nganga lang sina Gov. Jonvic Remulla, Rizal Gov. Rebecca Ynares at Laguna Gov. Ramil Hernandez sa sangkaterbang kubrador ni “John Yap” na nagbahay-bahay at nagkakaroon ng close contact sa mananaya sa pagpapataya ng jueteng sa mga residente sa tatlong lalawigang ito?
Isang kubrador lang kasi ang magkaroon ng COVID-19, hawa-hawa na ‘yan, boom!
◘◘◘
IMBES NA IPAHULI ANG MGA KUBRADOR NG ILLEGAL GAMBLING, GINAWA PANG APOR—Matigil lang ang lahat ng uri ng illegal gambling ay malaki ang maitutulong niyan para bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Panay ang panawagan ng pamahalaan na pairalin ang social distancing para iwas-virus daw, pero dinededma lang, hindi hinuhuli ang mga kubrador ng jueteng, lotteng at bookies na nagkakaroon ng close contact sa mananaya.
Ang masaklap, imbes na ipahuli ang mga kubrador, ginawa pang APOR (Authorized Person Outside Residence) para makapagpataya ng jueteng, lotteng at bookies, buwisit!





Comments