PWDs, kasama na sa cash program ng DSWD
ni Lolet Abania | December 3, 2022

Isasama na ng Department of Social Welfare and Development ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa kanilang programang Cash-For-Work, ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo ngayong Sabado.
“Simula po ngayon kayo ay kasama na diyan sa tinatawag na Cash-For-Work program ng DSWD sa inyo pong komunidad,” pahayag ni Tulfo sa ginanap na “BUHAYnihan” event sa Pililla, Rizal, kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa International Day of Persons with Disabilities.
Kadalasan, ayon kay Tulfo, ang mga PWDs sa bansa ay napag-iiwanan o minsan naman ay nalilimutan na umano ng lipunan.
Gayunman, sinabi ni Tulfo na iniutos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa DSWD na i-assist at asikasuhin ang mga PWDs para makatulong na rin sa kanilang pangangailangan.
Sa pamamagitan ng kanilang partisipasyon sa iba’t ibang community work o services, ang mga PWDs ay makatatanggap ng P4,000 ng cash assistance.
Sa isang media briefing, sinabi ni Tulfo na ang assistance para sa PWDs ay kasalukuyang wala sa budget ng DSWD para sa 2023. Subalit, ang pondo ay magiging available mula sa iba pang mga programa ng ahensiya gaya ng KALAHI-CIDSS o Kapit Bisig Laban sa Kahirapan and the Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Binanggit naman ng DSWD chief na nakatakda siya umapela sa Congress para sa monthly compensation na ibibigay sa mga PWDs.A





Bakit po dto sa San Narciso zambales, d pa po ba yan naimplement. Lagi sinasabi ng mga taga MSWD LAWA PA RAW CLANG NATATANGAP NA. ANONSYO MULA SA TAAS Un din pong para sa mga SOLO PARENT d rin daw po nila alam ang tungkol doon sana po marinig ang mensahe ko. Salamat