Mag-asawa, arestado sa aborsyon

by Mervin Reyes @News | September 22, 2026

Arestado ang mag-asawa matapos madiskubre ang umano’y pagpapalaglag sa kanilang dinadalang sanggol na 24 linggo pa lamang sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek sa alyas PJ, 29, at misis nitong si Mary, 31, kapwa residente ng Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City.
Alas-10:17 ng gabi nang isugod ni PJ sa ospital si Mary dahil sa matinding pananakit ng tiyan at pagdurugo. Sa pagsusuri ng mga doktor, nadiskubreng 24 linggong buntis ito at may indikasyong uminom umano ng gamot para ipalaglag ang sanggol, na kalaunan ay namatay sa kanyang sinapupunan.
Ini-report ng ospital ang insidente sa pulisya kaya agad namang inaresto ang mag-asawa at sinampahan ng kasong Intentional Abortion sa ilalim ng Article 256 ng Revised Penal Code. Nasa ospital pa si Mary at binabantayan ng pulisya habang nakakulong naman si PJ.





Comments