Motor, sinalpok... Babaeng angkas, nagulungan nakaladkad ng jeep, dedo

by Mervin Reyes @News | September 22, 2026

Patay ang 35-anyos na babae matapos pumailalim, magulungan at makaladkad ng jeep na bumangga sa sinasakyan niyang motorsiklo sa Ortigas Avenue Extension, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal, nitong Linggo ng gabi.
Sa CCTV, makikitang tinatahak ng motorsiklo ang kalsada bago mag-alas-7 ng gabi nang lumipat ng lane ang kasunod na jeep at sumalpok sa motor sa pedestrian lane.
Tumilapon ang 36-anyos na rider habang pumailalim naman sa jeep ang kanyang angkas. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Ayon sa rider, kapatid ng nasawi, galing sila sa Quezon Province at pauwi sana sa Pasay City nang mangyari ang insidente.
Arestado naman ang 73-anyos na driver ng jeep na umano’y nawalan ng preno.





Comments