top of page
Lakam Chiu at Kim Chiu - IG.jpg

Away sa pera... Anak, kinatay ni tatay

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 22, 2026



DOH, isinusulong ang responsableng pag-uulat ng suicide

Photo: File


Patay ang isang 43-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang ama matapos magkaroon ng pagtatalo sa Brgy. Mangoso, Sigma,Capiz.


Hindi na umabot nang buhay sa Mambuso District Hospital ang biktimang si alyas Tungkay dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.


Batay sa report ng Sigma Municipal Police Station, lasing umanong umuwi ang biktima sa kanilang bahay at nagkaroon ng pagtatalo sa kanyang 76-anyos na  amang si alyas Apa.


Pera umano ang dahilan ng pagtatalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang ama at pinagsasaksak ang lasing na anak.


Matapos makitang sugatan ang anak, mabilis na tumakas ang suspek.

Nagpapatuloy ang follow-up operations ng mga awtoridad upang madakip ang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page