PVL: Titans, mas matikas sa Army United Lady Troopers
ni Gerard Arce - @Sports | November 9, 2022

Winalis ng Choco Mucho Flying Titans ang wala pang panalong Army-United Auctioneers Lady Troopers sa pamamagitan ng straight three sets sa 26-24, 25-10, 25-17 upang tuldukan ang 2-game losing skid sa mas lumalalim na tagpo ng preliminaries ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Nagpakawala ng game-high 20 puntos si Choco Mucho import Odina Aliyeva mula sa 17-of-44 atake kasama ang dalawang blocks at isang service ace, gayundin ang solidong depensa sa 11 excellent receptions at anim na digs para pagbidahan ang Flying Titans na tapusin ang two-game losing skid. Tumapos din para sa dobleng pigura si heavy-hitter Katrina Mae Tolentino na may 14 pts mula sa 11-of-35 spikes dalawang aces at isang block. “I got confidence from my teammates, specially Odi, she just told me after the first set to just spike and just gave it all. She always motivates me, she’s sent an example for me, it’s really nice to have an import who motivating you to be better and that’s how I admire about Odi. Couldn’t been done without everyone’s help,” pahayag ni Tolentino patungkol sa 32-anyos na parte ng 2016 Nitra European League gold medal squad para sa Azerbaijan pagkatapos ng laro, na nakakuha rin ng suporta mula kina Desiree Cheng na tumapos ng walong puntos, Cherry Rose Nunag (5pts) at Maika Ortiz (4pts).

Binigyan din ng unang panalo ng Choco Mucho players ang bagong coach na si Edjet Mabbayad na pumalit sa nag-resign na si Oliver Almadro upang manatiling buhay pa ang pag-asa sa semis, na may nalalabing laro laban sa Creamline Cool Smashers sa Nob. 17 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City at Cignal HD Spikers sa Nob. 22 sa Philsports Arena sa Pasig City.





Comments