top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Puwedeng piliting magbigay ng kontribusyon ang mga co-owner

BULGAR
Sep 21, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 21, 2021


Dear Chief Acosta,


Ako at ang aking kapatid ay bumili ng computer. Nasira ito kalaunan dahil madalas niya itong gamitin sa paglalaro. Hiningi ng kapatid ko ang aking kontribusyon sa pagpapagawa nito. May karapatan ba ang aking kapatid na pilitin akong magbigay ng kontribusyon sa pagpapagawa nito? – Sen


Dear Sen,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 488 ng New Civil Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“Article 488. Each co-owner shall have the right to compel the other co-owners to contribute to the expenses of preservation of the thing or right owned in common and to taxes. Any one of the latter may exempt himself from this obligation by renouncing so much of his undivided interest as may be equivalent to his share of the expenses and taxes. No such waiver shall be made if it is prejudicial to the co-ownership.” (Binigyang-diin)


Malinaw na sinasabi ng ating batas na ang bawat kapwa may-ari ay may karapatang pilitin ang iba pang mga kapwa may-ari na magbigay ng kontribusyon sa mga gastusin sa pagpapanatili ng bagay na pareho nilang pagmamay-ari.


Batay sa nabanggit, ang inyong kapatid ay may karapatan na pilitin kayong magbigay ng kontribusyon upang mapanatili ang computer na pareho ninyong pagmamay-ari. Gayunman, maaari kayong hindi na magbigay ng kontribusyon kung tatalikuran ninyo ang inyong interes na katumbas ng inyong kontribusyon sa pagpapagawa ng nasabing computer.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page