Puwede sa tikiman… RURU, BAWAL MAG-ENDORSO NG ALAK AT SUGAL
- BULGAR

- 22 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 5, 2026

Photo: Ruru Madrid - FTWBA
Inamin ni Ruru Madrid na talagang may mga bawal din siyang gawin bilang artista dahil sa pagiging miyembro niya ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa aktor, naitanong sa kanya kung marami bang papel na hindi niya puwedeng gampanan dahil sa pagiging INC niya.
“I’m gonna be honest, Tito Boy. Of course, challenging s’ya sa pagiging isang aktor. S’yempre, bilang isang aktor, ‘di ka lang naman umaarte. Marami rin pong mga tao na naglu-look up sa ‘yo o nagsisilbing inspirasyon ka, at marami po sa mga tagahanga ko ay miyembro po ng Iglesia Ni Cristo,” simula ni Ruru sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
“So s’yempre, ‘di naman po sa lahat ng pagkakataon ay mauunawaan po nila kung ano po ‘yung ginagawa namin bilang isang aktor,” dagdag niya.
Inamin din niyang marami na siyang proyektong tinanggihan because of his faith.
When asked kung anu-ano ang mga bawal niyang gawin, sey ng aktor, “Bawal kaming mag-endorso ng alak, bawal kaming mag-endorso ng sugal.”
When it comes to roles na puwede niyang gawin, napag-uusapan naman daw ito at nagpapaalam naman siya kapag alam niyang medyo hindi naaayon sa paniniwala nila ang papel o eksena.
Tulad ng isang proyektong ginawa niya na ipapalabas pa lang, may eksenang bininyagan siya bilang isang Katoliko at ipinagpaalam niya ito’t pinayagan naman siya.
“Ang ipino-portray ko po kasing role ay isang role na wala pa pong Iglesia during that time,” aniya.
Puwede naman daw siyang gumawa ng love scenes at hindi na raw niya ito ipinagpapaalam pa.
“Bilang isang aktor, ayoko rin po talagang malimitahan ‘yung sarili ko, lalo pa’t, you know, right now, I’m in the era of expansion at gusto kong mag-explore sa kung ano pa ang kakayahan ko bilang isang aktor,” aniya.
MAGKAHALONG nerbiyos at excitement ang nararamdaman ni Angel Castro sa taguring ibinigay sa kanya bilang (Vivamax) VMX Premium Crush.
Sey ng Viva actress sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikulang CreamPie, na kasalukuyan nang napapanood sa VMX, “I feel honored kapag tinatawag akong VMX Premium Crush. S’yempre, I have to devote sa title na ibinigay sa akin. Medyo nervous, but I’m excited to see what the future holds.”
Sa nasabing mediacon ay nilinaw din niya ang isyung ibinabato sa kanya ng mga netizens, tulad ng may attitude raw siya, diva, at kung anu-ano pa.
Paliwanag niya, may problema siya sa mata kaya hirap siyang makipag-eye contact.
“Kasi po, people think that I have a bad attitude based on the clips from the previous presscon. In-explain ko naman po na I couldn’t look ‘coz I have eye issues,” pahayag ni Angel.
Nagkaroon ng problema ang aktres sa mata at muntik na siyang mabulag dahil sa komplikasyon sa eyelash extension. Nagkaroon siya ng corneal abrasion.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni Angel ang pagpapagamot sa kanyang mata.
Samantala, labis-labis naman ang pasasalamat niya sa Viva dahil ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa dami ng pelikulang ginagawa niya.
“I feel more welcome rito sa Viva, nothing against my former (manager). Ang dami ko pang project. Sobrang thankful talaga ako na ‘di ako pinabayaan ng Viva,” saad niya.
“Very excited din ako rito sa CreamPie dahil iyong mga natutunan ko rito, nai-apply ko sa iba kong pelikulang ginagawa,” dagdag pa niya.
Ang CreamPie ay isang provocative original thriller ukol sa tukso, masalimuot na relasyon, at emosyonal na kahihinatnan ng mapusok na mga desisyon.
Kasama rin dito sina Christy Imperial, Vince Rillon, Margareth Sison, at Mark Dionisio, mula sa direksiyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr..





Comments