Puwede rin daw ipangalan sa kalsada tulad ni FPJ…MAYOR JOY: KAILANGAN PATAY MUNA SI NORA
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 11, 2022

Pinaunlakan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang imbitasyon to be the inducting officer sa oath taking ng bagong set of officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pangunguna ng presidente na si Fernan de Guzman na ginanap sa Annabel’s Restaurant noong Miyerkules, Pebrero 9.
Maaga pa lang ay nandu'n na ang ilang key officers ni Mayor Joy sa venue dahil may prior appointment pa siya na kailangang harapin. Pero pagdating sa venue, talaga namang buong gabi namin siyang nakasama at never naming naramdaman na nagmamadali siya gaya ng ibang politicians.
After mag-dinner ni Mayor Joy, nagsimula na rin agad ang seremonya ng panunumpa ng newly elected officers ng PMPC. And then, nagkaroon kami ng chance na mainterbyu ang alkalde.
Payag pala si Mayor Joy na gawin sa pelikula ang kanyang buhay. At agad-agad, alam na niya kung sino ang gusto niyang gumanap bilang siya.
“Ay, si Sarah Geronimo. I love Sarah. Yeah, you know why? Because Sarah played a very important role in my life because when I first ran for vice-mayor of Quezon City and that was in 2010, she was my endorser. Kasi in those days, may sinasabi ang mga tao na medyo may hawig, magkahawig kami,” lahad ni Mayor Joy.
Hindi naman daw niya napansin na magkahawig sila ni Sarah, pero dahil d’yan, may nanlibre raw sa kanya na supporter niya para kuning endorser niya si Sarah during her campaign sa pagka-bise-mayor noon.
Naitanong din kay Mayor Joy kung may balak ba ang local government ng QC na magkaroon din ng kalsada na ipapangalan naman sa Superstar na si Nora Aunor, gaya ng ginawa kay Da King Fernando Poe, Jr. kung saan pinalitan ng FPJ Avenue ang dating Del Monte Avenue.
“Hindi ko alam na taga-Quezon City siya. Pero if that is the case, then, open po tayo d’yan sapagkat gusto naman natin na ipangalan ang mga daan natin lalo na ‘yung mga wala namang saysay na pangalan. Yeah, after people who have contributed greatly to our nation, ‘no?
“So, in this case, lagi kasing mga pulitiko. Pero kakaiba na may FPJ na tayo kaya ako natuwa kasi this is the first. And then, we also have streets that are named after our national artists.
“So, si Nora Aunor is most welcome. Pero kailangan, patay muna siya. ‘Yun ‘yun! Hindi po puwedeng magpangalan ng isang kalsada o gusali after his name while they are still alive,” paliwanag ni Mayor Joy.
Nagbigay din ng reaksiyon si Mayor Joy sa mga bashers niya na kung anu-anong memes ang ginawa sa kanya sa social media. Dalawang klase ng bashers daw ang meron siya. Una, ‘yung namba-bash sa kanya dahil gustong magbigay ng constructive feedback at ‘yung isa ay namba-bash just for the sake of bashing her.
Pinasalamatan niya ‘yung mga bashers niya na nagbibigay ng constructive feedback sa kanya. Doon naman sa namba-bash lang for the sake of bashing, nais din niyang pasalamatan dahil kailangan ang mindset daw ng isang leader should always be constructive.
“So, you should always see things in a way that, dapat nag-i-improve ka kapag nabasa mo ang isang bagay, ‘no? So, ‘yung mga pag-bash sa akin actually, kahit nakakainis siya, nakakasakit ng damdamin, ang interpretation ko ru'n ay may pagkukulang pa ako bilang isang leader. Kaya kailangan ko pang paghusayan ang aking trabaho para ma-overcome natin ‘yung ganoong





Comments