top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Puwede pa bang maibalik sa insured ang premium na ibinayad kung pinakansela?

BULGAR
Apr 21, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 21, 2022


Dear Chief Acosta,

Nang magkaroon po ng pandemya ay madalian akong kumuha ng health insurance, na balido hanggang ako ay maging animnapung (60) taong gulang, kahit na hindi ko po ito napag-aralan nang mabuti. Ngayon po ay may nakita akong mga insurance coverages na mas maganda kaysa sa nauna kong nakuha kaya naman napag-iisipan kong ipakansela na lamang ang aking insurance policy. Kung ipagpapatuloy ko ang pagsasauli ng nasabing policy, makukuha ko pa ba nang buo ang binayad kong premium sa insurance company?

KC



Dear KC,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 80 ng Republic Act (R. A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:

“SEC. 80. A person insured is entitled to a return of premium, as follows:

(b) Where the insurance is made for a definite period of time and the insured surrenders his policy, to such portion of the premium as corresponds with the unexpired time, at a pro rata rate, unless a short period rate has been agreed upon and appears on the face of the policy, after deducting from the whole premium any claim for loss or damage under the policy which has previously accrued: Provided, That no holder of a life insurance policy may avail himself of the privileges of this paragraph without sufficient cause as otherwise provided by law.” (Binigyang-diin)

Samakatuwid, ayon sa batas, kung wala namang ibang kasunduan para rito, maaaring maibalik sa insured ang premium na kanyang ibinayad, ngunit hindi ang kabuuan nito, at sa halagang katumbas lamang sa unexpired time ng kanyang kontrata. Ibig sabihin, maaaring maibalik sa inyo ang premium na inyong binayad, ngunit hindi ang kabuuan nito.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page