top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Puwede bang damputin ng pulis ang menor-de-edad na pinabili ng alak?

BULGAR
May 30, 2022
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 30, 2022


Dear Chief Acosta,


Ang pinsan kong menor-de-edad ay inutusan ng kanyang ama na bumili ng alak sa isang tindahan. Hindi siya nakauwi ng bahay noong gabing iyon sapagkat dinampot diumano siya ng pulis sanhi ng kanyang bitbit na alak. Wala namang liquor ban na ipinaiiral noon.


Mayroon bang basehan para sa kanyang pagkakakulong?


Quinto


Dear Quinto,


Para sa inyong kaalaman, ayon sa Section 57, Title VII ng Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice Act, as amended, hindi maaaring makulong ang inyong pinsang menor-de-edad sanhi ng kanyang pagbibitbit ng alak na inutos na bilhin ng kanyang ama na siyang hindi naman ipinagbabawal ng ating batas, lalo na sa panahong walang liquor ban.

Ayon sa batas na ito:


“SEC. 57. Status Offenses. – Any conduct not considered an offense or not penalized if committed by an adult shall not be considered an offense and shall not be punished if committed by a child.”


Samakatuwid, sanhi na hindi naman ipinagbabawal sa nakatatanda ang pagbili at pagbibitbit ng alak sa panahong hinuli ang inyong menor-de- edad na pinsan, hindi siya maaaring maikulong o maparusahan kaugnay ng ginawa niyang ito. Bagkus, maaaring mapanagot ang sinumang nagsanhi ng kawalan ng kanyang kalayaan nang walang basehan sa batas, sa pamamagitan ng kasong kriminal, sibil at/o administratibo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page