top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

“Puso at malasakit” ng law enforcement agencies, ‘di maramdaman sa panahon ng krisis

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 22, 2021



Nagseselos ang Malacañang sa mga nag-o-organisa ng community pantry.


Puwede naman gawing regular ang naturang iskema at makiisa ang lahat ng sektor kasama ang mga barangay officials!


◘◘◘


HINDI miyembro ng NPA ang may konsepto ng naturang bayanihan.


Ito ay bunga ng malinis na puso ng ordinaryong tao!


◘◘◘


ANG community pantry ay klase ng partisipasyon ng pribadong sektor ay ito ay inobasyong sumingaw sa gitna ng krisis.


Ang demokratikong gobyerno ay konsepto na dapat magkaroon ng inobasyon.


At ang pinakaepektibong inobasyon sa democratic system ay ang civilian participation!


◘◘◘


KAPOS ng pang-unawa ang mga militar at pulis dahil ang kanilang oryentasyon ay baril o armas, imbes na kapayapaan at pag-ibig sa kapwa.


Sa totoo lang, hindi dapat isisi ang lahat ng nagaganap sa gobyerno, bagkus ay mas dapat isisi ang lahat sa lider ng relihiyon at sekta!


◘◘◘


ANG educational system ay pinapapasasaan ng mga Catholic school na napakataas maningil ng matrikula.


Kabilang sa may matataas na matrikula ang Ateneo, De La Salle, UST at iba.


Ang masakit, ang mga ‘yan ay nasa ilalim ng religious entity kaya’t mas malaman ay hindi nagbabayad nang maayos na buwis.


Bakit hindi sila tumutulong sa nagugutom sa panahon ng pandemic?


◘◘◘


ANG community pantry ay dapat pinangangasiwaan ng lider ng simbahan, imbes na lider ng barangay.


Dapat nakasentro ang libreng pagkain sa bawat Parokya tulad sa pagpapakain nang libre ng HesuKristo gamit ang dalawang isda at limang tinapay!


◘◘◘


MAY sariling social action ang Simbahan, maging ang mga protestante o ibang sekta ay may ganyang ding programa.


Ang problema, kapag nagselos ang AFP at PNP, babansagang komunista ang lider ng simbahan na tumutulong sa ordinaryong mamamayan!


◘◘◘


SA totoo lang, ang AFP, PNP at maging ang ng intel agencies ay dapat may programang makatutulong sa mga nagdarahop sa panahon ng pandemic.


Kailangang maramdaman ng ordinaryong mamamayan ang “puso at malasakit” ng mga law enforcement agencies sa panahon ng krisis!


◘◘◘


ANG savings sa mga ahensiya na hindi nagastos ay dapat ilabas at itulong sa mga mamamayan imbes na nakawin ito.


Sa panahon ni dating Pangulong Marcos, ipinatutupad ang feeding program sa 42,000 barangay na pinangangasiwaan ng tinatawag na Barangay Nutrition Scholar o BNS.


‘Yan ay katumbas ng community pantry na nakatuon sa mga nagdarahop na paslit na malnourished o hindi nabibiyayaan ng masusustansiyang pagkain!


◘◘◘


ANG matatanda na walang trabaho ay inoorganisa naman ng Bureau of Animal Industry Extension worker na may kilala bilang BAEX.


Inoorganisa ang mga ina ng tahanan at kabataan sa regular na pagtitipon upang magsanay magluto o gumawa ng handicraft katuwang ang NACIDA!


◘◘◘


AKTIBO rin ang NACIDA na ang kahulugan ay National Cottage Industry Development Authority.


Ang lahat ng bayan at munisipaliad ay may field worker o extension workers na bumababa o nakikihalubilo sa mamamayan.


Sila ay direktang nakikipag-ugnayan kasama ang mga agriculturist at fieldsmen ng Department of Agriculture para naman sa hanay ng mga magsasaka!


◘◘◘


SA panahon ni Marcos, katuwang ng ordinaryong tao ang extension worker at field men ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.


Sa ngayon, ay wala nang ganyang iskema, kaya’t nabubuhay ang community pantry kung saan—nagkukusa ang mga lider mamamayan na mag-organisa malayo sa panghihimasok ng gobyerno.


Tamad ang nasa loob ng gobyerno at seloso pa na tila ba nagpa-panic kung saan biglang magkaroon muli ng People’s Power mula sa biktima ng pandemic!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page