Puro na lang brownout, anyare sa Department of Energy?!
- BULGAR
- Jun 3, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 03, 2021
PARANG NAPABAYAAN NI CUSI ANG TRABAHO SA ENERGY DEPARTMENT, KAYA PANAY NAGKA-BROWNOUT—Walang ibang dapat sisihin sa sunud-sunod na brownout na nararanasan sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon, kundi si Sec. Alfonso Cusi ng Department of Energy (DOE).
Bilang energy department head, tungkulin niyang pangasiwaan ang enerhiya ng bansa, kabilang ang supply ng kuryente, pero dahil nalalapit na ang halalang 2022 ay tila mas nagpokus siya sa pag-iikot sa probinsiya para isulong ang Duterte-Duterte 2022, P-Duterte for vice-president.
At dahil sa pamumulitika, napabayaan ni Cusi kanyang trabaho sa energy department kaya hindi agad nalamang may malaking problema na pala sa supply ng kuryente na nagdulot kaya maraming naperhuwisyo na nakararanas ngayon ng rotating brownout sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon, buwisit!
◘◘◘
DAPAT MAG-RESIGN SI CUSI SA ENERGY DEPARTMENT—Kung ang nais ni Cusi ay gampanan niya ang mandato niya bilang vice-chairman ng PDP-Laban kasi nalalapit na ang eleksiyon, ang dapat niyang gawin ngayon ay mag-resign na siya bilang head ng energy department.
Gawin niya ‘yan agad-agad, ang mag-resign sa gobyerno para hindi maraming napeperhuwisyo sa kanyang pamumulitika, period!
◘◘◘
DAGDAG-BUDGET SA NTF-ELCAC, PANDAGDAG-GASTOS NG MGA TRAPO SA 2022 ELECTION?—Humirit ang PDP-Laban sa Kongreso na dagdag pa ang kasalukuyang P19.1 bilyong pondo ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict).
Aba, teka, bakit partido ng mga pulitiko ang humihirit ng dagdag-budget sa NTF-ELCAC? Kaduda-duda ‘yan kasi baka ang hirit na dagdag-budget sa NTF-ELCAC ay gamitin lang ng mga trapo (traditional politician) na pandagdag-gastos nila sa eleksiyon? Mga buwisit!





Comments