Pumayag na adviser ni PBBM kahit piso ang suweldo… DIREK PAUL: BALEWALA SA AKIN ANG PERA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 7, 2022

Direktang inamin ni Direk Paul Soriano na hindi pera ang habol niya sa kanyang posisyon ngayon bilang Presidential Adviser on Creative Communications kaya piso (P1) lang ang hiningi niyang suweldo.
Tiyak na hindi ito tatanggapin ng mga bashers. Sa panahon ngayon ay hindi kapani-paniwala at walang sinuman ang tatanggap ng posisyon at magtatrabaho nang libre or gratis at labor of love lang.
Open naman si Direk Paul Soriano sa pagsasabing mahal niya at inirerespeto ang First Family at handa siyang mag-serve at makatulong sa mga projects ni PBBM.
For sure, bibigyan din ng ibang kahulugan ng mga detractors ni Paul Soriano ang sinabi niyang "It's not the money that matters. I am so blessed. I am comfortable with my life and I have a private company that supports me.”
Well, tiyak na sasabihin ng iba na dahil super rich ang angkan ni Direk Paul ay kaya niyang tumanggap ng posisyon sa gobyerno na walang suweldo.
Anyway, sa lahat ng kritiko ngayon na bumabatikos sa kanila ng kanyang maybahay na si Toni Gonzaga, love and respect ang kanyang gustong ibigay.
Laging iniisip ni Direk Paul ang tatlong mahahalagang life lessons na natutunan niya sa veteran comedian na si Joey de Leon — ang LIVE, LOVE & LAUGH.
Malaki ang respeto at paghanga ni Direk Paul kay Joey na halos limang dekada na sa showbiz. Si Joey ang kapareha ni Toni sa MMFF 2022 movie na My Teacher na si Paul Soriano rin ang direktor. Ito ay produced ng Ten17 Productions at TinCan.





Comments