top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pumalag sa 40% na komisyon ng Viva… US CONCERT TOUR NI WILLIE, 'DI NA TULOY!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 29, 2023



Hindi na matutuloy ang US concert tour ni Willie Revillame dahil umayaw siya sa malaking komisyon na ikakaltas sa kikitain niya.


Ibinalita ito ni Nanay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na YouTube vlog nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload nitong Linggo nang hapon.


"'Di ba, ibinalita natin na magkakaroon ng US tour si Willie Revillame sa iba't ibang bahagi ng Amerika, (at) baka isunod na 'yung Canada at Europa? Ang mamamahala ay ang Viva Entertainment at napakagandang balita ito para sa kanyang mga tagahanga.


"Hindi na nga matutuloy ang US tour ni Willie, pati na rin 'yung pagpirma niya ng kontrata sa Viva ay hindi na rin natuloy," may himig ng panghihinayang na sabi ni 'Nay Cristy.


Base sa source nito, "Ang kuwento ng aking source, nag-meeting na raw si Boss Vic del Rosario at si Willie Revillame, nagkasundo na kukuha ng 20% ang Viva sa lahat ng kikitain ng concert ni Willie.


"So, okay na, wala na raw problema pa, pasado na kay Willie. Aba, pagkatapos daw ng ilang araw, meron na naman daw kakaltasin na 20% para sa booking at finder's fee, eh, di 40% na?"


Tinanong ng beteranang manunulat at online host si Wendell kung sakaling sa kanya ito mangyari, na sa 100% ay kakaltasan ito ng 40%, papayag ba siya?


"Ay, hindi ako papayag! Ito na nga ba ang sinasabi ko, nagharap (muwestra) ang dalawang makuwenta," sagot ni Wendell.


Nagkatawanan ang tatlo at sabay sabi ni 'Nay Cristy, "Oo. Hahahaha! Parehong negosyante."


Katwiran ni Wendell, "Kung sa akin mangyayari 'yan, magkano na lang ang matitira kundi 60%?


Magbabayad pa ako sa mga tao (staff) ko na kasama ko sa production, magkano ang pamasahe ng mga 'yun?"


"Siyempre, sagot ng production 'yun. Ang pinakamalinaw na sagot ay siya (Willie) ang performer. Siya ang haharap sa mga tao, siya ang magpapasaya, siya ang magpe-perform.


Bakit naman 60% lang ang kanya?" tanong ni 'Nay Cristy.


Paniniwala naman ni Romel Chika, "Siguro, ang sagot naman ng Viva ay 'Ako ang magma-marketing, ako ang magbu-book. Pupunta ako sa mga lugar na dapat mong mapuntahan.'"


Dagdag ni Nanay Cristy, "At may mga producers kaming kinakausap na siyempre, magkakaroon din (komisyon), eh, kaso, hindi na yata pumayag pa si Willie. So, wala na po ang concert, pati ang sinasabing pagpirma niya sa Viva, dahil hindi na natuloy at dahil na rin ito sa karagdagang 20% uli na kikitain ng concert."


"Ayaw niya ng 60-40 ang hatian," sambit ni Romel Chika.


Paliwanag naman ni Wendell kaya umayaw si Willie ay dahil ang mga ipapasuweldo niya sa kanyang mga dancers at staff ay galing na sa bulsa niya at hindi na ito sisingilin pa sa Viva.


"Pero seryoso, 'Nay, kung ako lang si Kuya Wil, tatanggapin ko kasi ibang mag-market ang Viva.


'Di ba, meron pa silang Viva abroad?" opinyon ni Romel Chika.


Nabanggit naman ni 'Nay Cristy ang mga naging shows ni Sarah Geronimo at iba pang personalidad sa ibang bansa na kapag Viva Entertainment ang humawak ay lahat tagumpay.


"Kumbaga, nakatayo na 'yan. Isang tawag lang ni Boss Vic (sa mga agents) abroad na sasabihing 'Mag-ready na kayo sa mga tickets selling.' Napakagaling ng Viva sa ganyan. Ewan ko lang bakit tinanggihan ni Willie ito. Dapat, habang wala siyang TV show, aba, dito na muna siya sa pagko-concert sa iba-ibang bansa," pahayag ni 'Nay Cristy.


Dagdag pa nito, "Pero meron daw sorpresa, eh, na may binubuong programa si Willie ngayon pero hindi na sa network mapapanood kundi sa (social media)."


"Oo, kasi hindi na siya (Willie) puwede sa GMA, sa TV5 at ABS (CBN)," saad ni Romel Chika.


"Oo, kasi may lamat na, eh. So, saan, sa NET 25?" tanong ni Nanay Cristy.


"'Yan ang aabangan natin, baka sakali," say ulit ni Romel Chika.


Kung sa social media naman daw ay hindi ito masyadong pinapasok ng mga advertisers kaya dapat sa TV network mapanood ang bagong programa ni Willie.


"Sayang ang oportunidad na mapanood sana ng ating mga kababayan si Willie. Pero, mas sayang kay Willie dahil ito ang pagkakataong puwede niyang abutin ang ating mga kababayan sa iba't ibang dako ng mundo pero hindi pa natuloy," katwiran ni 'Nay Cristy.


Pero ayon naman sa source ni 'Nay Cristy, "Viva is now handling Willie Revillame's show on social media."


Sa madaling salita, ang US tour lang sa ibang bansa ang hindi natuloy na pirmahan nina Willie at Boss Vic dahil sa hindi pagkakasundo sa komisyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page