top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pumalag kay P-Du30 sa hirit sa COVID-19… “MALIIT NA BAGAY? PARA SA AMIN PO KASI, MALAKI,” — ANGEL

  • BULGAR
  • Mar 19, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 19, 2021




Pinalagan ni Angel Locsin ang sinabi ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na "maliit na bagay lang" umano ang COVID-19.


Ani P-Digong, “Do not despair. Kaya natin itong COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayo dinaanan, mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo… Lahat kayo, ‘wag kayong matakot.”


Nag-post si Angel sa kanyang Instagram Stories ng reaksiyon sa sinabi ng pangulo.


Aniya, “Maliit na bagay? Baka po sa inyo, Sir? Para sa amin po kasi, malaki.”


Hindi lang ang aktres ang nag-react kundi maging ang mga netizens.


Sa sitwasyon kasi ngayon, marami na nga ang nagpapabakuna, pero malaking katanungan sa madlang pipol kung bakit lalong dumarami ang nabibiktima ng COVID?


Hindi naman masisisi ang mga netizens. Sino nga ba naman ang hindi matatakot gayung ang kalaban ay hindi nakikita? Na kapag minalas-malas ka ay matitigok ka agad.


Ito ang reaksiyon ng mga netizens sa sinabi ni Angel…


“Nakakabuwisit ang presidente n'yo d'yan! Kawawa kayo!”


“C'mon, Angel and company will deal on anything against Duterte. Tatakbo ulit 'yung pinsan niya.”


“'Di ko gets, ngayon ginagawa ng Presidente lahat para lumakas loob natin, sasalungat pa rin. Tapos kung magpapa-ECQ na naman 'to si Digong, galit na naman 'tong mga taong 'to dahil OA raw mag-decision. Angel, ano na??? Pilipinas, ano na??”


“The president is belittling COVID-19. "Maliit na bagay"?!?! Napaka-insensitive remark knowing na ang daming napinsala ng virus worldwide (deaths, economy, jobs, mental health, etc). Even developed countries can't fully contain it yet.”


“Paanong maliit na bagay ang COVID, aber? Buong mundo ang affected and napakaraming namamatay dahil dito. Ang ibang bansa, kahit 'yung mga considered din na 3rd world countries, ay na-handle ito nang maayos. Hindi polished pero may concrete plan and action sila.”


“Ang tapang ni Angel.”


“Angel, the president is just saying that everything is under control. Panicking won't help. Get a life please...”


“How is it under control po? Pati si Roque, Sinas et. al, may COVID? O baka nga kunwari lang may COVID para iwas sa mga issues ngayon.”


“We don't need to be uplifted. Enough of uplifting us. Ang hinahanap namin, ACTIONS AND CONCRETE PLANS. SOLUTION.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page