top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pulse Asia, suportado ang pamilya Duterte, naks naman!

BULGAR
Mar 28, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 28, 2021



PULSE ASIA, HINDI LANG PRO-DUTERTE, PRO-CHINA PA—Sa inilabas na survey ng Pulse Asia tungkol sa mga bakuna, 53% ng mga Pinoy ang may gusto sa made in USA na Pfizer; 22% naman sa made in China na Sinovac; 6% sa made in Europe na Astrazeneca at tig-1% lang ang mga made in USA rin na Johnson and Johnson at Moderna.


Ganun? Ang Sinovac na gawang China ay pinalalabas ng Pulse Asia na ikalawa sa gusto ng mga Pinoy kaysa gawang Europe na AstraZeneca at mga gawang Amerika na Johnson and Johnson at Moderna?


Hindi lang pala pro-Duterte itong Pulse Asia, pro-China pa, boom!


◘◘◘


PULSE ASIA, TODO-BUILD-UP SA PAMILYA DUTERTE—Nasabi nating pro-Duterte ang Pulse Asia kasi sa kanilang survey ay palaging bini-build-up nito ang Pamilya Duterte.


Last year, habang nakakatikim ng batikos ang Duterte gov’t. dahil sa mahinang pagtugon sa laban kontra COVID-19, bigla silang naglabas ng survey at minarkahan ng 91% approval rating ang aksiyon ni P-Duterte.


At habang galit ang mamamayan sa mga namumulitika sa gitna ng pandemya, minarkahan din ng survey firm si Mayor Sara Duterte-Carpio na top daw sa mga presidentiables, period!


◘◘◘


UTOS NI P-DUTERTE NA DAMIHAN ANG PAG-ANGKAT NG KARNE SA IBANG BANSA, DAGOK SA MGA PINOY HOG RAISERS—Pinadalhan ng sulat ni P-Duterte ang Kongreso na agad aprubahan na itaas sa 350,000 metriko tonelada ang dami ng aangkating karneng baboy ng Department of Agriculture (DA) sa ibang bansa mula sa dating 54K metric tons.


Dahil d’yan, tiyak na lundagan sa tuwa ang mga Chinese na magbababoy, at sa kabilang banda ay lulugu-lugo naman ang mga Pinoy hog raisers kasi malaking dagok sa kanilang negosyo ang utos ni P-Duterte, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page