top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pulitika pa more imbes na bakuna at COVID-19 response!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 07, 2021



CAYETANO, SOBRANG KSP--Tila nagpapansin kay P-Duterte si Taguig Rep. Alan Cayetano sa kanyang announcement na tatakbo siyang pangulo o sa iba pang mataas na posisyon sa halalan 2022.


Si Cayetano ang tandem ni P-Duterte sa pagka-VP (vice-president) noong 2016 kaya't siyempre, todo-asa siyang maging manok sa pagka-pangulo o sa pagka-VP ng Duterte administration sa 2022 election, kaya lang hindi kasama ang kanyang pangalan sa sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na pinagpipilian ng pangulo na isasabak sa presidential election, at sila ay sina presidential daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio, Sen. Bong Go, Sen. Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at ex-Sen. Bongbong Marcos, boom!


◘◘◘


IMBES NA PAGBUTIHIN ANG RESPONSE SA LABAN SA COVID-19 AT VACCINATION PROGRAM, PAMUMULITIKA ANG INAATUPAG--Inutusan ni P-Duterte si Energy Sec. Alfonso Cusi na ipatawag ang mga kapartido nila sa PDP-Laban para magdaos ng asembleya, at pagkaraan ay inindorso ng kanilang partido ang pangulo na kumandidatong bise-presidente, at ang latest nga, 'yung sinabi ni Roque na namimili na ang pangulo kung sino kina Sara, Bong Go, Pacquiao, Isko at Bongbong ang isasabak ng administrasyon sa presidential election.


Hay naku, imbes na ang atupagin ay kung paano mapapabuti ang response ng gobyerno sa laban a COVID-19 at pagbutihin ang vaccination program, ang inaatupag ng tropang Duterte ay pamumulitika, mga pwe!


◘◘◘


GUSTO NA RAW MAG-RESIGN SA PAGKA-PANGULO PERO NAGPA-ENDORSO NAMANG VP SA 2022 ELECTION--Sa lahat ng mga naging pangulo ng Pilipinas o maging sa ibang bansa sa mundo, si P-Duterte lang ang madalas magsabi na gusto na niyang mag-resign, na kesyo pagod na raw siya, na nagsasawa na sa trabaho at ang nais daw niya ay umuwi na lang sa Davao City.


Tapos kamukat-mukat, inutusan si Cusi na mag-asembleya at pinag-convention ang kanyang kapartido sa PDP-Laban para i-endorso siya ng kanilang partido sa pagka-VP sa halalan 2022, boom!


◘◘◘


DAMING LATE SA LABAN SA COVID-19, PERO SA PAMUMULITIKA AT PANGANGAMPANYA ANG AGA--Alam ng publiko na late si P-Duterte sa pag-travel ban sa China na pinagmulan ng COVID, late rin sa mass testing at late rin sa pagbili ng bakuna.


Daming late sa laban sa COVID-19, pero sa pamumulitika at sa pangangampanya sa halalan 2022, eh, ang aga, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page