top of page
FRANKLY - LISENSIYA NI BINI MIKHA, SINUSPINDE, SUMUKO SA LTO_IG _bini_mikha _FB Circulated

Pulis hinoldap, 2 nakamotor todas sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | November 13, 2026



2 lalaking magkaangkas sa motorsiklo matapos makipagbarilan umano sa mga awtoridad kasunod ng panghoholdap sa isang nakasibilyang pulis sa Brgy. Ususan, Taguig City, - Circulated

Photo: Circulated



Dedbol ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo matapos makipagbarilan umano sa mga awtoridad kasunod ng panghoholdap sa isang nakasibilyang pulis sa Brgy. Ususan, Taguig City, nitong Huwebes, Nobyembre 12.


Kinilala ang isa sa mga nasawi na si alyas Flor, 47, na ayon sa pulisya ay lider umano ng carnapping at robbery group na sangkot sa hindi bababa sa 10 kaso ng carnapping. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasama.


Alas-12:40 ng tanghali nang tutukan ng baril at agawan ng kwintas ang nakasibilyang pulis na nagsasagawa ng surveillance sa Pedro Cayetano Boulevard.


Agad itong tumawag sa 911, ngunit pinaputukan umano ng mga suspek ang mga rumespondeng pulis, dahilan upang masugatan sa balikat ang isang intelligence operative na isinugod sa The Medical City Taguig.


Narekober sa pinangyarihan ang dalawang baril, mga basyo, motorsiklo, helmet at ang ninakaw na kuwintas.


Tiniyak ni Southern Police District director Brig. Gen. Rodel Pastor ang mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa kriminalidad, kasabay ng pagbibigay-diin sa propesyonalismo at pananagutan ng mga pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page