top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe
Search

ni Mervin Reyes @News | September 25, 2026



Inaresto sa hotel, mga baril nasamsam... Sundalo, 3 pa, nangholdap ng convenience store, kulong

Photo: File



Arestado ang apat na armadong lalaki, kabilang ang isang Army corporal, sa Catanauan, Quezon, madaling-araw nitong Huwebes.


Ayon sa pulisya, rumesponde ang mga awtoridad sa isang hotel matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga kahina-hinalang lalaki, kabilang ang isang umano’y may dalang mahabang baril.


Nasamsam sa mga suspek ang M16 rifle, tatlong handgun, hand grenade, mga bala at magazine. Narekober din sa kanilang Nissan Terrano ang dalawang rifle grenade at dalawang live M203 grenade ammunition.


Sinabi ng pulisya na tugma ang sasakyan sa getaway vehicle na umano’y ginamit sa pagnanakaw sa isang convenience store sa Trece Martires City, Cavite, kung saan tinatayang P131,000 na cash at personal na gamit ang natangay.


Ang 35-anyos na Army corporal ay nakatalaga umano sa Pili, Camarines Sur, habang ang tatlo niyang kasama ay mula Taguig City, Carmona, Cavite, at San Juan, Batangas.


 
 

ni Janice Baricuatro @News | July 17, 2026



Motorcycle taxi driver - Carmona Police

Photo: Carmona Police



Patay ang isang motorcycle taxi rider matapos holdapin at barilin ng pasahero na nagpahatid mula Maynila hanggang Carmona, Cavite kamakalawa.


Kinilala ang biktima na si alyas Ren Ren, 35. 

Sa una'y inakala ng mga awtoridad na biktima siya ng hit-and-run, ngunit nang makakita ng basyo at isang hindi pumutok na bala sa pinangyarihan, lumitaw na pinaslang ito.


Ayon sa imbestigasyon, nag-book ng biyahe ang suspek noong Hulyo 9 mula Maynila patungong Carmona. Matapos umano niyang patayin ang rider, tinangay niya ang motorsiklo nito. Kalauna'y natagpuan ang motor sa Trece Martires City, kung saan pinaniniwalaang ipinagpalit ito ng suspek sa isa pang sasakyang inagaw din. 


Nagpadala rin umano siya ng mga mensahe sa asawa ng biktima upang humingi ng P5,000 kapalit ng umano'y ligtas na pagpapalaya sa rider.


Sa halip na magbigay ng pera, humingi ng tulong ang pamilya sa pulisya, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si De Laviga sa Tondo, Maynila. 


Narekober sa kanya ang isang motorsiklo at isang kalibre .45 na baril na pinaniniwalaang ginamit sa krimen. 


Patuloy ding iniimbestigahan kung sangkot pa siya sa iba pang krimen sa Cavite.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 1, 2023




Arestado ang isang security guard matapos umanong mang-holdap ng Vietnamese student sa Muntinlupa.


Ayon sa biktimang si Thi Thanh Tam Hoang, 22, residente ng Roxas Boulevard, Pasay, naganap ang pangyayari sa Posadas Avenue, Barangay Sucat.


Sa follow-up operation, natunton ng mga pulis kasama ang mga tauhan mula sa Muntinlupa Police-Sucat Substation 4, ang suspek na si Mc Quinn Jones Borja, 26, security guard, at naninirahan sa Naic, Cavite, habang tumatakas sa isang sasakyan.


Nagsagawa ang mga tauhan mula sa Sucat Substation 4 ng "hot pursuit" operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.


Kasama ang tulong ng kanyang translator, mariing kinumpirma ng biktima ang suspek at nag-file ng mga reklamo laban dito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page