Pulis, binaril sa ulo ng magnanakaw, utas
- BULGAR

- 22 hours ago
- 1 min read
by Levi Gonzales @News | September 2, 2026

Photo: File
Patay ang isang pulis matapos barilin sa ulo ng umano'y magnanakaw sa Brgy. Sampaga, Balayan, Batangas.
Kinilala ang biktima na si PSSg. Von Rico Macuha, nakatalaga sa Sta. Teresita, Batangas, Municipal Police Station, habang ang suspek naman ay si Carlo Arcilla Sape, nasa hustong gulang, sangkot umano sa pagnanakaw sa Sta. Teresita.
Ayon sa ulat, nagtungo ang mga pulis sa dating tirahan ng suspek sa Calaca City, ngunit wala na ito roon. Nabatid na nagtungo si Sape sa Brgy. Sampaga, kung saan siya nagtatago.
Nang maramdaman umano ng suspek ang presensya ng mga pulis, tumakas ito at hinabol ng mga operatiba. Nang makarating sa isang mataas na lugar, doon umano nagpaputok ito ng baril kung saan tinamaan sa ulo ang biktima.
Agad isinugod ang pulis sa isang pagamutan sa Calaca City bago inilipat sa ICU ng isang medical facility sa Balayan para sa karagdagang gamutan pero binawian din ito ng buhay.
Nagsagawa ng malawakang hot-pursuit at dragnet operations ang pulisya at naaresto ito subalit nanlaban na nagresulta ng kanyang kamatayan.





Comments