top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pueble Amante De Maria, ang bayang nagmamahal at minamahal ni Maria

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2021
2 min read

ni Fr. Robert Reyes - @Kapaayapaan / Patakbo-takbo | December 13, 2021



Parang linggo ng umaga noong Miyerkules, ika-8 ng Disyembre, 2021.


Binati natin ang mga dumalo sa misa ng alas-7:00 at alas-8:30 ng umaga ng ganito, “Isang masayang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria. Kay saya ni Maria at napakarami ninyong dumating upang ipakita ang inyong pagmamahal sa kanya. Tunay ngang tayo ay ang “Pueble Amante de Maria.” Tayo ang mga bayang nagmamahal at minamahal ni Maria, Ina ni HesuKristo, Ina ng Diyos, Ina nating lahat.


Ngunit, hindi lang si Maria ang lubhang masaya, tayong lahat na bumubuo ng ating simbahan ay lubhang masaya dahil sa muling pagpalabas ng ating mga kababayan.


Mula noon hanggang ngayon, mula sa paglaban at pagkapanalo ni dating Pangulong Cory, na sinundan ng kanyang paglilingkod bilang pangulo, napakarami nang kababaihan ang lumitaw, nanindigan at lumaban. Bagama't natapos na ang Taon ni Maria (Marian Year), hindi natapos, hindi tumigil ang pamamahayag at pagkilos ng iba’t ibang kababaihang hindi natakot ipaglaban ang ating kalayaan, ang ating soberanya, ang dangal at karapang-pantao ng bawat mamamayan.


Sa nagdaang limang taon ng kasalukuyang administrasyon, narinig, nakita, naramdaman ang tapang, paninindigan, karunungan at kadakilaan ng maraming kababaihan, tulad nina Senadora Leila De Lima, Senadora Risa Hontiveros, Sr. Pat Fox na ipina-deport, Chief Justice Meilou Sereno, ang yumao nang Dinky Soliman, Karina David at maka-dangal at karapatan ng kababaihan na CHR Chair Chito Gascon.


Sa simula, gitna at dulo ng mahabang listahan ng kababaihang matapang, naninindigan at lubos na nananalig sa Diyos, naroroon ang isang babaeng muling nagbibigay ng lakas, liwanag, landas at ibayong pag-asa, si Bise Presidente Leni Robredo.


Sa mabilis na sulyap sa mga dakilang Pilipina mula noon hanggang ngayong muling lumilitaw, ngumingiti at mahinang nagsasalita at nagaanyaya: “Tayo na’t samahan ninyo akong ipamalas at ipadama ang pagmamahal sa ating Diyos at Inang Bayan. Kapwa nila tayong minahal at dahil dito nararapat lang na ipakita din natin ang ating pagmamahal hindi lang sa kanila kundi sa isa’t isa, lalo na sa mga kapatid at kababayan nating lubhang nakakalimutan at napapabayaan…


Tayo na at samahan si Maria, Tayo na Pueblo Amante de Maria… at mahalin natin Siya, ang Ina ng Diyos; ang Inang Bayan; ang Diyos Ama at ang kapwa Pilipino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page