top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

PSA Stakes Race, inaabangan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2021
1 min read

Updated: Nov 7, 2021

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 4, 2021



Isa sa aabangan ng mga karerista na stakes race sa Linggo ay ang bakbakan ng 10 kabayo sa magaganap na 2021 PHILRACOM "Philippine Sportswriters Association Stakes Race."


May distansyang 1,600 meter race, pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ang event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamamahala ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, napipisil ng mga dehadista ang kalahok na Roll Da Dice at Tocque Bell na posibleng maging mahigpit na karibal nina Mommy Caring at Kevlar.


Rerendahan nina dating PSA, Jockey-of-the-Year awardees Jonathan Hernandez at Patty Dilema sina Tocque Bell at Roll Da Dice ayon sa pagkakasunod.


Nakalaan ang P500,000 guaranteed prize, ang ibang kalahok ay sina Arrabiata, Luke Skywalker, Well Done, Fiesta Cubano, Shanghai Silk at Money Changer.


Sasakyan ni jockey Lester De Jesus si Mommy Caring habang si class A rider Fernando Raquel ang gagabay kay Kevlar. Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P300,000, mapupunta sa second placer ang P100,000, tig P50,000 at P25,000 ang ibubulsa ng third at fourth habang hindi uuwing luhaan ang fifth at sixth dahil hahamigin nila ang tig P15,000 at P10,000. Makokopo naman ng breeder ng winning horse ang P25,000.


Samantala, mapapanood din ng mga karerista ang labanan sa PHILRACOM PCSO Silver Cup at 2nd Leg Juvenile Stakes race. Simula ngayong buwan ay halos tuwing Linggo magkakaroon ng stakes races kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista.


Sa Disyembre naman ilalarga ang prestihiyosong event sa buong taon na Presidential Gold Cup, wala pang nag-abiso ng pagsali pero posibleng nasa lineup ang defending champion na si Pangalusian Island.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page