Proud single mom… JANELLA, UMAMING 'DI KAILANGAN ANG TULONG NI MARKUS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 6, 2022

Walang tuwirang sagot si Janella Salvador kung hiwalay na nga sila ni Markus Paterson, bagkus ang sagot nito nang maging guest sa vlog ni Bernadette Sembrano ay isa na siyang single mom.
Pinag-usapan nina Janella at Bernadette ang role ng young actress sa Darna bilang si Regina/Valentina.
Tanong ng ABS-CBN newscaster-vlogger, ano raw ang pagkakapareho niya sa character niya bilang si Regina.
“I actually portray two characters. Si Valentina, she’s the monster. The alter ego is Regina, she’s the human form. Si Valentina, she’s a monster, she’s fierce, she’s scary. Si Regina, she’s a lawyer and vlogger. She’s very intelligent and her heart is in the right place. She fights for justice,” panimula ng aktres.
“Kasi si Regina, kapag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya, ilalaban niya talaga.”
Ayon sa aktres, gusto niya ang role ni Regina na ipinaglalaban kung ano ang tama as long as alam niyang wala siyang tinatapakang tao.
At ang huli raw niyang ipinaglaban bilang isang tao is being a single mom.
“Talagang inilalaban ko 'yun. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”
Hinggil naman sa kanyang partner na si Markus, "Basta okay kami."
Bilang isang independent, nakuha raw niya 'yun sa kanyang ina na pinalaki siya nang mag-isa.
“Siguro kasi, I saw my mom, growing up, kung paano siya. She was able to raise us on her own.
So siguro, na-embody ko rin kung paano siya. I wanted to be independent as well."





Comments