Proud pang idinispley ang mga tiket… MGA MADRE, NANOOD SA FIRST DAY NG MAID IN MALACAÑANG
ni Nitz Miralles - @Bida | August 5, 2022

In-announce ng Viva Films na umabot sa P21 million ang opening gross ng Maid in Malacañang at ang tag line na “Philippine Cinema is back!”
Hintayin natin kung may kokontra rito.
May nakita pala kaming photos ng mga madre na nanood ng controversial movie ni Director Darryl Yap. Game sina sisters na nagpakuha ng larawan hawak pa ang mga tiket at nagbayad sila.
Ang gandang tingnan na sama-samang nanood ang mga madre ng St. Joseph at Carmelita sisters sa Iloilo. May nakita pa kaming madre na nakapila noong opening day.
Samantala, kumpirmadong lilipad pa-Dubai sina Sen. Imee Marcos, Cristine Reyes at Direk Darryl this month para sa screening ng Maid in Malacañang.





Comments