Proud na um-attend ng Oscars tulad ni James… NETIZENS KAY ARCI: TRYING HARD AT SOCIAL CLIMBER

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 31, 2022

Hindi lang pala si James Reid ang nag-iisang Pinoy celebrity na dumalo sa Oscars Party, nandu'n din sina Arci Muñoz at Raymond Gutierrez.
Post ni Arci sa kanyang Instagram, "Whutha night!!!? Huh?... Someday.... #oscars2022 thank you!!"
Siyempre pa, dagsa na naman ang mga hanash ng mga Marites kay Arci.
"Idk (I don’t know) but I find Arci trying hard and social climber."
"Nabuhay si Michael Jackson, wahahaha!"
Mapang-asar ang sagot ng netizen, "Sumasaya ba ang pakiramdam mo 'pag nagbu-bully ka ng tao? Nice ba sa pakiramdam?"
Pagtatanggol ng isa, "Layo naman niya kay MJ. 'Kainis kayong mga nakakita lang ng mga nagparetoke, Michael Jackson agad. Corny n'yo na."
"Nagpagupit tapos nag-extension. Wala lang, napansin ko lang."
"Rich kids."
May nagsabi namang, "Gate crashers. GUARD!!!"
"Oh, social climber ang dating."
Well. Well. Well.... Whatever party sila nandu'n, para lang naman 'yang sa PMPC Star Awards na kapag may gustong manood na mga artista, pero 'di naman sila mga nominado, isinasama rin sila sa mga footages while walking sa red carpet.





Comments