top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Proud na proud sa ipinalit kay Miles… ELIJAH AT THEA ASTLEY, TODO-HOLDING HANDS SA PALENGKE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 1, 2026



BIDA - ELIJAH AT THEA ASTLEY, TODO-HOLDING HANDS SA PALENGKE-FB Circulating

Photo: FB Circulated



Ginulat nina Elijah Canlas at Thea Astley ang mga netizens nang makita silang magkasama in public at magka-holding hands pa. Hindi lang malinaw ang dalawang photos na aming nakita online, pero hindi maipagkakailang silang dalawa ‘yun.


Tila namamalengke ang dalawa dahil sa background, makikita ang rows of eggs at sa isa pang photo, tila fruits and vegetables ang nasa likod nila. 


Pareho ring may suot na dark glasses sina Thea at Elijah, pero hindi nagtatago sa camera.


Comment ng isang netizen, “Elijah and his new girl? Hiwalay na ba sila ni Miles Ocampo? Please enlighten me, kasi ‘di ko alam. Ang tanging alam ko lang ay sila pa rin, tsaka ‘di ba mahal na mahal ni Elijah si Miles? What happened kaya? OMG!”


May sumagot na isa ring netizen at sinabing break na sina Miles at Elijah. Nagkabalikan ang dalawa pero nag-break uli. May nagsabi namang baka may taping lang na magkasama sina Elijah at Thea, nagkaroon ng break sa taping at naisipan nilang mamili sa palengke.


Comment naman ng isa pang netizen, dapat daw bang magka-holding hands sina Elijah at Thea habang namimili kung wala silang relasyon?





MULING humarap sa media ang magka-love team na sina Rabin Angeles at Angela Muji para sa mid-season mediacon ng Viva One series na Dating Alys Perez (DAP). Kasama nila sa mediacon si Zeke Polina at Director Crisanto Aquino.


Ipinaalam nina Angela, Zeke, at Rabin na new episodes ang mapapanood every Friday sa Viva One na paniguradong susuportahan uli ng RabGel fans. Plus, kasama pa si Zeke na agad ding tinanggap ng mga fans kahit ka-love triangle siya ni Rabin kay Angela.


Paulit-ulit ang pasasalamat nina Rabin at Angela sa suporta ng kanilang mga fans. Isa ang RabGel love team sa mga pinakasikat sa Viva. Ang lakas ng dalawa sa mga fans, hindi lang sa Viva One. Every time na may public appearance sila, siguradong susugod ang mga fans at magpapalakasan pa ng sigawan at palakpakan.


Ang nakakatuwa sa mga fans, hindi nila pine-pressure na maging for real ang love team nina Angela at Rabin. Masaya sila at tanggap ang sagot ng dalawa na, “‘Di namin minamadali at sa ngayon, masaya kami as friends and love team.”





KABILANG sina Ogie Alcasid, Apl.de.Ap at Sen. Bam Aquino sa mga nag-congratulate sa SB19 sa performance ng grupo sa Lollapalooza. 


Sabi ni Ogie, “Hail SB19,” na sinundan ni Apl.de.Ap ng “Congrats to my little brothers SB19 on their historic performance at Lollapalooza. So incredible!” 


Sinundan pa ito ng congratulatory remarks ni Sen. Bam na, “Isang pagpupugay sa SB19 sa makasaysayang pagtatanghal sa Lollapalooza Music Festival.”


Nakaka-proud naman talaga ang performance ng SB19 dahil sila ang first fully Filipino homegrown talent to perform sa legendary music festival. Ang daming nanood sa grupo at hindi lang Filipino, marami ring foreigners. May mga Philippine flags na iwinagayway ang mga Pinoy at nagsayawan pa.


Ten songs ang nasa set list ng SB19, kabilang ang Gento, DAM, at MAPA. Kasama rin sa setlist nila ang Mga Kababayan ni Francis Magalona. They were featured in Fox 32 Chicago, nakaka-proud!


Ang ganda ng comment ng isang SB19 fan na, “Watching SB19 perform at Lollapalooza is such a proud moment for every Filipino. They didn’t just perform, they owned the stage with incredible vocals, powerful choreography, and undeniable charisma. Congrats, SB19! You represented the Philippines with excellence and made us all proud.”





MAY post sa Facebook (FB) page ni Bong Revilla na clasped hands emoji na may caption na: “Thank you, Lord,” pagkatapos i-grant ng Sandiganbayan 3rd Division ang kanyang temporary liberty.


Nag-post si Bong ng P1-million bail para sa kanyang temporary freedom. 

Sabi ng court, ang release ni Bong “is in line with the Supreme Court’s ruling in Enrile v. Sandiganbayan, which allows bail in non-bailable offenses when the prosecution fails to show that the evidence of guilt is strong.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page