Proud na proud na part na ng Dior family… "MAY NARATING ANG KAARTEHAN KO" — HEART
ni Nitz Miralles - @Bida |February 05, 2022

Nakabalik na si Heart Evangelista mula sa Paris Fashion Week in time para sa final mediacon ng I Left My Heart in Sorsogon na ending na sa February 11.
Nai-share nito ang experience niya sa pagdalo sa PFW kung saan pasabog siya sa Paris. Mula sa OOTD, sa pagrampa, sa mga dinaluhang events at nakapag-sold-out pa nga ng YSL sunglasses.
Ano ang feeling sa positive comments sa kanya sa PFW?
“It’s very overwhelming. I’ve been attending PFW for five years, ngayon lang ito nangyari.
Nabulabog din ako na ganun’n ang nangyari at nabulabog din ang comments sa IG. First time for me to be part of Dior family at masasabi kong may narating ang kaartehan ko. That’s your headline," sabi ni Heart.
Ayon kay Heart, hindi niya ipapasok sa ulo ang achievement niya dahil sa dami ng pinagdaanan niya sa showbiz, walang rason para yumabang siya. “I’m so grateful and thankful at parang ‘di ako makapaniwala, it’s a dream!”
Samantala, matutuwa ang mga fans ni Heart dahil mukhang nagbago na ang una nitong desisyon na last soap na niya ang I Left My Heart in Sorsogon.
“That time na sinabi ko ‘yun, sigurado ako. I said it with finality, but while watching the series, na-realize ko na mahal ko ang craft ko, I really enjoy the craft and the collaboration and I miss acting. Pero, matatagalan siguro because I have to balance my time at may asawa ako.
“Hindi ko pa alam because of my schedule. Honestly, napaisip ako dahil I love acting pala.
Ayaw kong mag-promise, but as of now... ito munang I Left My Heart in Sorsogon. Open ako to do movie, depende lang sa leading man. Open ako to do series, mga three episodes with different stories. Open ako sa mabilis na project.”
In-assure ni Heart ang mga kasama sa rom-com series na hindi lang sila “taping friends” dahil she’ll make it a point na magkita-kita pa rin sila kahit tapos na ang ILMHIS. Baka nga sa birthday ni Heart sa February 14, magkasama-sama sila dahil plano niya na mag-celebrate. Hindi man big party, basta makasama niya ang mga kaibigan at kasama ang new found friends na cast ng I Left My Heart in Sorsogon.





Comments