Proud na proud, 'di raw lahat tulad ng anak niya… KARLA, TODO-POST SA SOCMED NG PAGTULONG NI DANIEL
- BULGAR

- Nov 18, 2020
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 18, 2020

Tulung-tulong ang pamilya ni Karla Estrada sa pagre-repack ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses simula nu'ng Linggo. Pero, kahapon lang nakarating ang mga padalang relief goods ng pamilya ni Karla.
Makikita sa Instagram post ng Magandang Buhay host na si Momshie Karla ang mga piktyur nila habang nagre-repack sa loob ng isang badminton court. Nandu'n ang boyfriend ni Karla, ang kanyang anak kay dating Congressman Mike Defensor na si Maggie, ang anak niya sa dating vocalist ng banda na si Naldy Padilla, at siyempre, ang panganay niyang anak kay Rommel Padilla na si Daniel Padilla.
Ipinost ni Karla sa IG ang piktyur ni Daniel habang nagre-repack at gayundin ang laman ng post ng aktor sa kanyang social media account na ang nakalagay ay: "Always find ways to help. Hindi lahat ng tao, nabibigyan ng pagkakataon para tumulong, maliit man o malaki."
Sa caption nito, pinasalamatan ni Momshie Karla ang kanyang pamilya na tumulong sa pagre-repack.
"First batch is off to our kapamilya na sabik na kaming marating! Salamat sa buong pamilya ko na nakiempake at sa mga tagahanga ng pamilya na rin namin! Solid 'to! LET'S GOOO! Tulung-tulong para sa pagsulong!" ani Karla.
Nag-post din separately si Daniel ng picture niya habang nagre-repack sa kanyang sariling social media account at 'yung isang nakaupo siya sa gitna ng mga bottled water.
"B: Bughaw - Uhaw! Hangga't kaya, always share your blessings," caption ni Daniel.
Kahapon nang umaga ay naipadala na rin ni Momshie Karla ang kanilang relief goods.
"Unang misyon, ACCOMPLISHED."
Nag-reply sa post niya ang co-host sa Magandang Buhay (na ang lawak-lawak na ng coverage 'di lang sa digital kundi pati na sa free TV at napapanood na tuwing 11 nang umaga bago mag-It's Showtime sa A2Z Channel 11) na si Momshie Melai Cantiveros.
"(3 Clapping hands emoji) Gogogo chabs," comment ni Momshie Melai.
Nakakatuwa na aktibung-aktibo ang mga Kapamilya stars sa pagtulong sa ating mga kababayan na sobrang naapektuhan ng recent typhoon.
Salute to our Kapamilya stars!





Comments