top of page

Proud na proud, Cherry Pie… EDU, IPINAKIKILALA NA ANG GF SA MGA KAIBIGAN SA SHOWBIZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

Updated: 14 hours ago

ni Nitz Miralles @Bida | March 29, 2026



BIDA - EDU, IPINAKIKILALA NA ANG GF SA MGA KAIBIGAN SA SHOWBIZIG @pgmnofficial

Photo: Edu Manzano - IG / @pgmnofficial



Nakita namin ang Instagram (IG) post ni Alessandra de Rossi na parang get-together ng cast ng pelikulang Everyone Knows Every Juan (EKEJ), kung saan hindi lang kasama sa cast si Alex, siya rin ang director ng movie produced ng Viva Films. 


Sa photo, halos kumpleto ang cast na kinabibilangan ni Gina Alajar.

Nandu’n din si Edu Manzano kasama ang girlfriend na si Ann Cuisia. Ang ibig sabihin nito, nagsimula na si Edu na ipakilala sa mga showbiz friends niya ang love of his life. Kasama sa larawan sina Ronnie Lazaro, Joel Torre, Ruby Ruiz, Angeli Agbayani at iba pang cast ng movie.


Maganda ang ginagawa ni Edu na ine-expose at ipinakikilala sa mga kaibigan sa showbiz ang GF para masanay. Una na nitong isinama si Ann sa isang event sa Admiral Hotel Manila at nakilala ng GF ang ilang mga relatives niya.


Anyway, ang sweet ni Ann, nag-post ng photo ni Edu na may caption na: “I choose calm. I

choose gentle. I choose you. Everyday.” 


Sagot ni Edu, “I can tell it’s my hair every time.”


Pinusuan at may kinilig sa post ni Ann at sa comment ni Edu. Mga post na ganito ang nagpapakilig sa mga tao kaya mahirap ang pagko-call-out ni Edu na enough about his love life and focus on the real issue – ang talamak na corruption sa gobyerno na may kinalaman sa flood control.





TOTOO naman pala ang sinabi ni Mark Herras na may project siya sa GMA-7 matapos magkaisyu na kaya siya dumaan sa depresyon ay dahil wala siyang project. 


Sa teaser ng Never Say Die (NSD), makikita si Mark, pero dahil short teaser lang iyon, hindi malinaw kung ano ang role niya sa action series nina Jillian Ward at David Licauco.


Ang importante, may project siya lalo na at lumalaki na ang kanyang pamilya. 

Bukas (Lunes) yata lalabas ang kanyang karakter at malalaman na kung sasabak din ba siya sa action scenes. Hindi naman siguro siya sasayaw.


Comment ng mga fans, kaya raw nag-workout si Mark at bumisita pa sa skin clinic para paghandaan ang pagpasok niya sa NSD. Ang wish ng kanyang mga supporters, masundan pa ang project ni Mark sa Kapuso para hindi siya naiisyuhan ng kung anu-ano.


Kaya lang, may nabasa kaming isyu kay Mark Herras, hindi raw nito sinipot ang isang imbitasyon sa fiesta kahit may down payment na sa kanya. Sana ay iwasan niya ang mga ganitong isyu para hindi siya naba-bad press at naba-bash.





Kung dati, kamukha ng aktor…

ANAK NI DEREK KAY ELLEN, NAGIGING KAMUKHA NA NG ANAK NI JOHN LLOYD



Para sa mga netizens na nakapanood sa bagong reels video ng anak nina Ellen Adarna at Derek Ramsay, lumalaki si Lili na nagiging kamukha ng kuya nitong si Elias na anak sa aktres ni John Lloyd Cruz. 


Sa first few months ng bata, kamukha nito si Derek, pero ngayon, mas nagiging kamukha nito ang kuya niya.


Hindi kataka-taka kung sa paglaki pa ng bata, ang mom niyang si Ellen ang kanyang makamukha. 


Sa reels na ipinost ni Derek sa Instagram (IG), makikitang nagsasayaw ang anak at sabi nito, “My little girl got some swag!”


Isinama ni Derek si Lili sa family vacation nila sa Discovery Samal para i-celebrate ang 50th anniversary ng kanyang parents. Sa reels, makikitang nag-e-enjoy umindak si Lili at naka-smile pa.


Mababasa ang mga comments na, “Lumalaban ang dugo ni Ellen habang lumalaki si Lili,” “Mas kamukha na n’ya ngayon si Elias,” “She looks like her brother Elias, beautiful baby,” “Elias na kamukha n’ya,” at “She looks like Ellen. Just like Elias.”


May mga comments na umaasang magkakabalikan pa rin sina Derek at Ellen.

“Suyuin n’yo po misis n’yo, please, para sa cute baby, para mas happy s’ya,” sey ng isa. 


May comment naman na kung nabasa ni Derek, siguradong napangiti ito.

Ayon sa nag-comment, “You’ve got Ellen with you forever. She looks exactly the same as her mom. I hope you won’t bully her when she grows up just because she looks exactly the same

as her mom.”


Anyway, nanghinayang ang mga fans ni Derek na naudlot ang showbiz comeback niya dahil hindi natuloy ang TV adaptation ng The Kingdom: Magkaibang Mundo (TKMM)

Sobrang mahal daw ang production nito kaya hindi na itinuloy ng MediaQuest Holdings at TV5. 


Umaasa ang mga fans ni Derek na bibigyan siya ng bagong project ng TV5. Sayang daw na kung kailan ready na si Derek na balikan ang showbiz, saka naman nagkaproblema sa project.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page