top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Proud na nasa tamang side para sa bayan… SHARON, NIRESBAKAN NA NEPO BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 28
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 28, 2026



LETS SEE - SHARON, NIRESBAKAN NA NEPO BABY-IG _dreamscapeph

Photo: IG _dreamscapeph




Sa nag-viral na post ni Sharon Cuneta kamakailan sa socmed (social media) kung saan makikitang kasama nito ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan at yakap-yakap pa ang tiyuhing si Sen. Tito Sotto, nakatanggap ng backlash ang Megastar.


Quoted dito ang isang pamosong linyahan ng isang American poet at author-writer na si Laurence Overmire na nagsasabing “To be on the right side of history, is to advocate for the rights and well-being of all people.”


Dinagsa ito ng mga komento na nagpapaalala raw kay Mega na galing siya sa isang political clan na noo’y naging sunud-sunuran sa diktador na si Marcos kaya’t hanggang sa mga panahong ito ay hinuhusgahan ng history bilang mga diktador at naging pasaway sa bayan.


May nagpaalala pa kay Mega na lehitimong ‘nepo baby’ umano siya, lalo’t alam daw sa kasaysayan ng showbiz kung paano ginamit ng noo’y nasa poder niyang ‘ama’ ang impluwensiya nito para matawag siyang Megastar ngayon.


Hanggang makarating na ang isyu sa naging friendship niya sa mga Duterte partikular kay Vice-President (VP) Sara hanggang kina Bongbong Marcos at asawa nitong si Liza, pati na ang sinasabi niyang ‘renewed bonding’ sa pamilya ng mga Sotto.


Marami rin naman ang mga nagtanggol kay Mega lalo na sa isyu ng pagiging ‘nepo baby’ nito, dahil kung anuman daw ang meron siya ngayon ay dahil sa kanyang talent, skills, husay sa pag-arte at pag-awit at disiplina sa paghawak sa pera kaya’t legit na isa siyang bilyonaryo at kinaiinggitan ng marami.

Nakakalokang tunay. Hahaha!





Sabit sa flood control scam…

SENS. JINGGOY, JOEL, BONG GO AT CHIZ, NEXT NANG IKUKULONG



MAY mga showbiz friends din naman si Sen. Jinggoy Estrada na handang muling ipagtanggol ang senador sa balitang muling napipintong pag-serve ng warrant of arrest dito kaugnay ng usapin sa flood control, mula sa Ombudsman.


Sunud-sunod na kasi ang mga balitang naglalabasan hinggil sa ilang mga members ng majority ng Senado na posible na raw makulong nang dahil sa mga kinasasangkutan nilang ‘isyu ng corruption, plunder o iba pang may kinalaman sa mga flood control projects’.


Pinangalanan na nga sina Sen. Estrada at Sen. Joel Villanueva at posible rin daw sina Sen. Bong Go at Sen. Chiz Escudero.


Ang lahat ng mga ito, ayon sa ilang grupo sa showbiz na nakasuporta kay Sen. Estrada, ay pakulo umano ng minority group na tila ginagawa ang lahat para lalong maging circus ang Senado.


Kahit nga raw ang pagiging mas aktibo ngayon ni Heart Evangelista sa showbiz work nito ay ginagawan ng intriga dahil malapit na nga raw mabuking ang pagiging ‘maleta boy’ din umano ng asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.

Bukod kasi sa kanyang vlog ay magiging host ng isang game show sa GMA-7 si Heart kasama ang bagets na si Sean Lucas.





May patawa, may pakilig…

MGA SENADOR, GALAWANG SHOWBIZ NA



“LUMIPAT na nga ang mga moviegoers sa panonood sa Senado,” sigaw naman ng mga nagsasabing bukod sa comedy ay may tema na ring ‘kilig-romance’ ang plenaryo.

“Itong si Leon Guerrero, ‘di rin nagpakabog, ‘noh, Iba rin ang awrahan,” sey ng netizen sa ganting gesture ni Sen. Lito Lapid kay Sen. Pia Cayetano.


Sa isang manifestation kasi ni Sen. Lito ay sinabi nitong mananatili siya sa ‘minority’ at pinabubulaanan ang mga fake news na nakuha na rin siya ng majority group.


Sa puntong ito ay nag-manifest ng pasasalamat si Sen. Pia dahil sa loob daw ng halos dalawang dekada na magkasama sila ni Lapid ay buwan-buwan pa rin siya nitong pinadadalhan ng maja blanca at suman.


“Gusto ko kasing malaman mo na mahal kita,” ang pakilig namang tugon ni Sen. Lapid.

Humirit pa ang Senate President na si Alan Peter kung bakit daw despite na alam ni Lapid na may problema na siya sa kalusugan ay pinadadalhan naman siya nito ng ‘sisig’, na sinagot naman ni Sen. Joel Villanueva, “Inilalapit ka lang kasi n’ya kay God.”


Nakakaloka, pero ganyan na nga raw po ka-showbiz ang mga galawan sa Senado sa ngayon. Hahaha!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page