top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Proud na ka-tie ng idol na si Piolo… ALFRED, ‘DI NAKATULOG, GINAWANG UNAN ANG FAMAS BEST ACTOR TROPHY

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2024
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 29, 2024


Showbiz News
Photo: Alfred Vargas / IG

 

Walang pagsidlan sa tuwa ang aktor and public servant na si Alfred Vargas matapos matanggap ang kanyang kauna-unahang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) trophy sa ginanap na awards night last Sunday.


Si Alfred ang itinanghal na Best Actor sa FAMAS 2024 para sa pelikulang Pieta, ka-tie niya si Piolo Pascual para naman sa Mallari.


Ayon kay Alfred nang makatsikahan namin last Monday, sobrang overwhelmed pa siya sa nangyari at hindi nga raw siya nakatulog nang gabing iyon after the awards night.          


“Ito (trophy) ‘yung ginawa kong unan, eh. Actually, wala pa akong tulog ngayon,” sambit niya.

Ayon pa sa aktor at konsehal ng 5th District ng Quezon City, talagang hindi niya inasahan na maiuuwi niya ang Best Actor trophy nang gabing iyon lalo pa nga’t ang bibigat din daw ng mga nakalaban niya.


“Totally unexpected,” sey niya. “Hindi ko talaga ine-expect honestly. Nu’ng nakita ko na nandu’n lahat ang mga Best Actor nominees, sabi ko, just to be part of this list exclusively, okay na ako,” aniya.


Tanggap niya raw na hindi na siya mananalo kaya laking gulat niya nang tawagin nina Vilma Santos and Christopher de Leon ang pangalan niya.


“Sobrang saya ko. Du’n sa speech ko, ‘yung acceptance speech ko, isinama ko rin siyempre (sa pinasalamatan) si God, ‘yung family ko, FAMAS, pero talagang nagpapasalamat ako kay Direk Adolf (Alix, direktor ng Pieta), kasi siya naman ang nag-assemble ng cast na ‘to, eh, saka ng movie na ‘to.


“Ang ganda talaga, eh, ‘yung mapagsama mo sina Nora Aunor, Gina Alajar, saka Jaclyn Jose. Tapos ako, makaeksena ko sila, feeling ko, ‘yun talaga ang nakatulong sa ‘kin,” saad ni Konsi.


Ang Pieta ay isa sa mga huling nagawang pelikula ni Jaclyn bago siya pumanaw kaya naman inalay din ni Alfred ang kanyang tropeo sa aktres. 


Tungkol sa pagta-tie nila ni Piolo, ayon sa aktor-pulitiko ay proud siya to share the award with him.


“I’m very, very happy and proud to share it with Piolo. Kasi naalala ko, nu’ng Star Circle days ko, idol ko na si Piolo nu’n, eh. Siya talaga ‘yung tinitingala ru’n, so to share the stage with him and this award with him, napakasuwerte ko,” sey niya.


Dahil sa napanalunang award ay mas lalo pa raw siyang naging inspired na gumawa at mag-produce ng de-kalidad na pelikulang Pilipino.


“Oo naman, and sinabi ko, mahal na mahal ko talaga ang pelikulang Pilipino. Hangga’t kaya ko, gagawa’t gagawa tayo saka we will continue acting until the last day of our lives,” aniya.


Dahil nga isang project a year lang ang kanyang ginagawa, ngayong taon ay sa teleserye muna ang kanyang focus. He’s doing Forever Young sa GMA-7 with Nadine Samonte, Eula Valdez and Rafael Rosell na malapit nang iere.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page