top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

Proud na galing sa hirap, ‘di raw sa nakaw… DIMPLES, TODO-FLEX SA BAGONG BILING 2-SEATER SPORTS CAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 6, 2026



TALKIES - DIMPLES, TODO-FLEX SA BAGONG BILING 2-SEATER SPORTS CAR-IG _dimplesromana

Photo: IG _dimplesromana



Dream come true kay Dimples Romana ang ma-achieve ang isa sa personal milestones niya.


Nagbahagi si Dimples ng video clip sa kanyang Instagram (IG) post na nagpapakita ng bagong sasakyan na isang two-seater sports car na Mazda Miata MX-5 RF na binili niya para sa kanyang sarili after 30 years ng pagtatrabaho sa showbiz.


Saad ni Dimples sa video, “Today is a very special day. Come with me as I get the first car ever that I am buying for myself.


“Trivia lang. For 30 long years na nagtatrabaho ako, the car that I would always buy would be shared with my family.


“But this time, I’m buying this for only one person because there are only two seats in the car, so I can only date one. For example, si Papa B (Boyet), si Callie or si Alonzo or si Elio when he is big enough na isa-isa ko lang silang dadalhin or whoever one friend I’m going to be driving with.


“I need you to help me decide the name of the car pero s’yempre, kailangan ay bagay sa color na binili ko. Well, hint lang na all the cars I bought in the past were all white but this time, I’m being brave and I’m going with my power color.”


Samantala, sa caption ng post ni Dimples ay nagbahagi siya ng pasasalamat na may kasamang simpleng pasaring.


Saad ni Dimples, “Oh, Dani, ‘di muna maleta ang kasama kong mag-travel this time, ikaw na. Shall we name her Daniela or Dani Girl?


“Episode 2 of things that make me happy that don't necessarily have to make sense to everybody else.


“After three long decades of working, I finally got a personal car. Thank you myluv @callieahmee @papaboyetonline @alonzoasks.


“Katas ng blood, sweat and tears. Literal. Walang nakaw. Pinaghirapan, pinagtrabahuhan. Masarap ipagmalaki.


“Hard work truly pays off. And now that our unica hija finally graduated and has been employed, I don’t feel guilty buying things for myself anymore. Every breadwinner can relate, I’m sure.


“Now it’s time to drive and date my family and those closest to me.

“Dreams do come true if we work hard enough, be patient enough and best done with our integrity kept intact.”


Big tumpak ka d’yan, Dimples!





Bulag daw sa sakripisyo ng magulang… 

HIRIT NG TATAY NI CARLOS: ANAK NA WALANG KWENTA



Gumawa ng ingay online ang ama ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo matapos niyang i-repost ang mensaheng “Anak na walang kwenta” na tumutukoy sa pagiging bulag umano ng ilang anak sa sakripisyo ng kanilang mga magulang.


Saad ni Mark, “Sana, maalala n’yo rin mga anak at mga estudyante ang sakripisyo ng mga magulang n’yo na nanay, mama, tatay, papa, lola, lolo. Give honor to your loving parents.


“Mahalin n’yo sila habang nar’yan pa ang mga magulang n’yo.


“Kung ano man ang narating n’yo ngayon, una sa lahat, magpasalamat sa Diyos. Then honor your loving parents.”


Well, tama naman si Mark sa sinabi niya at kasama sa Sampung Utos ng Diyos ang “Igalang mo ang iyong ama at ina.”


Pero saan nga kaya nanggagaling ang hugot nito?



GUSTONG maging mabait ng aktor na si Carlo Aquino sa kanyang misis na si Charlie Dizon kaya nagbigay siya ng paalala sa kanyang mga followers tungkol sa tamang pagtrato rito, na ibinahagi niya mismo sa kanyang social media.


Sey ni Carlo na may kasamang biro at pag-aalaga, “Be extra kind to her. It’s that time of the month (may dalaw).

“Ayoko madamay. I-date ko nga.”


Good job, Carlo. Well, sa ganda ng misis mo, dapat lang na alagaan mo. 

‘Yun na!





Matagumpay na naiuwi ng Songbayanan mula sa Calumpit, Bulacan ang P1 million jackpot prize sa pilot weekend ng bagong season ng Everybody Sing (ES) matapos nilang mahulaan ang 10 kanta sa jackpot round ng episode na ipinalabas nitong Linggo, May 3.


Sa huling limang segundo, naselyuhan ng grupo ang kanilang panalo nang mahulaan ni Leslie ang huling kanta na Pangarap Lang ni Yeng Constantino.


Ayon kay Vice Ganda, malaking tulong ang nasabing premyo sa grupo lalo na at patuloy na nakararanas ang mga ito ng pagbaha sa kanilang komunidad.


Bukod sa jackpot prize, nadagdagan pa ng P60,000 ang kanilang napanalunan matapos silang tulungan ng celebrity guest na si Bela Padilla sa Singko

Blanko round kung saan nakuha nila nang tama ang tatlong linya sa kantang Pare Ko.


Nakisaya rin sa pilot weekend ng programa ang mga komedyanteng sina Petite at Iyah Mina na nagsilbing co-hosts ni Vice. Naki-jamming naman sa Songbayanan ang Your Face Sounds Familiar (YFSF) Season 4 grand winners na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano.


Huwag palampasin ang bagong episodes ng Everybody Sing tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page