top of page
Search
  • BULGAR

Proud na flawless na ngayon… PAGBUBUYANGYANG NI LOVI, OKS LANG SA MISTER

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 22, 2024



Showbiz Photo
File photo: Lovi Poe

Thankful at grateful si Lovi Poe nang muling pumirma ng kontrata kahapon bilang SCD (Skin Care Depot) endorser.


Another 15 months contract daw ang pinirmahan ni Lovi sa SCD na pag-aari ng CEO na si Ms. Gracee Angeles, ayon sa publicist ng product na si kapatid na Jun Lalin.


Tuwang-tuwa si Lovi sa tiwala sa kanya ni Ms. Gracee bilang endorser dahil kahit morena siya at hindi sobrang puti, kinuha siyang endorser ng whitening products nito tulad na lang ng sunblock lotion and cream na paborito ni Lovi.


Aminado naman si Lovi na nu'ng kabataan niya ay hindi siya vain at marunong mag-alaga ng sarili, kaya nga overwhelmed siya nang kuning endorser ng SCD skin care products.


Nang matutunan daw niya ang self-care, halos lahat naman ng SCD products ay ginagamit niya. 


In fact, nu'ng nagpe-prepare nga raw siya para sa kasal nila ng British film producer na si Monty Blencowe, dala-dala niya ang mga SCD products ni Ma'm Gracee sa London, England para sa kanyang beauty rituals.


In fairness kay Lovi, kahit 'di siya maputi, flawless siya at walang "chismis" sa balat, kaya naman proud na proud ito at walang kiyeme kung magbuyangyang ng kanyang skin sa social media.


Tinanong nga namin sina Lovi at Ms. Gracee kung part ba ng promo ng SCD ang pagpapakita ng skin at sexy body ng aktres sa kanyang Instagram account at natatawang sagot ni Mrs. Blencowe, "Ako lang talaga 'yun, I'm just… hubadera (lang talaga)." 


Ngayong wifey na siya, okay lang ba sa kanyang mister kahit na magpakita siya ng skin sa social media? Gaano ka-understanding at supportive si Monty?


Ani Lovi, "He's very understanding. He's always there for me and then talagang I'm just happy na you know, he's not giving me a hard time 'pag kailangan kong lumipad dito for work, talagang lilipad ako dito for work. And 'yun nga, he just lets me be and I'm grateful for that." 


Hindi raw nakikialam ang asawa niya sa mga projects na tinatanggap niya like itong bago niyang movie sa Regal Films na Guilty Pleasure na kasama niya sina JM De Guzman at Jameson Blake.


At dahil marami pang naka-line-up na movie projects si Lovi, hindi raw muna niya priority ang pagkakaroon ng baby although kapag dumating naman daw ay blessing 'yun kahit may takot din siya kung paano magbubuntis at mag-aalaga ng bata.


 

ANDREA AT KYLE, NAGSAMA SA BORACAY



File photo


Si Kyle Echarri pala ang newest Brilliant Skin Essentials endorser at ini-launch siya sa Summer Event na ginanap sa Boracay Island nu'ng May 19.


Magkasama na sila ngayon ng nali-link sa kanyang si Andrea Brillantes na mas nauna at matagal nang endorser ng Brilliant Skin Essentials.


Pinangunahan ng CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc. na si Miss Glenda dela Cruz ang pagpapakilala kay Kyle bilang bagong ambassador at kasabay na rin ang launching ng mga bagong produkto ng BSE, kung saan nagpasalamat at ibinahagi rin ni Ms. Glenda ang excitement sa mga bagong plano niya para sa kanyang kumpanya.


“Welcome to Brilliant Summer and sobrang nao-overwhelm ako, wala na akong masabi.

Thank you din sa team for making this possible. Sabi nga nila, may mga nagko-comment, 'Ms. Glenda, hindi na summer pero sa atin, summer na summer pa rin,'” pahayag niya. 


Nag-imbita kasi si Ms. Glenda ng mahigit 300 na bisita — franchisees at distributors — na all-expense paid para siguradong ma-enjoy nila ang event.


Samantala, present din sa event si Andrea Brillantes dahil nag-renew ito ng kanyang kontrata sa BSE. Nakisaya rin siya at nag-perform sa stage kasama si Kyle Echarri.


Nang tanungin si Andrea sa favorite part niya bilang brand endorser, aniya, “Ang favorite part ko siyempre, ‘yung pinakaimportante – effective po talaga ang products ng Brilliant Skin. Masasabi ko ito dahil user po ako simula 15 years old pa lang ako.”


Ramdam ko naman din ‘yun. I feel like masasabi din ni Blythe, ‘yung paborito niyang part, para kayong pamilya talaga,” dagdag ni Kyle.


Samantala, tatlong bagong products ang ini-launch sa event — ang Brilliant Sun

Professional Sunscreen para sa best summer glow; Hello Melo Drinks, isang beauty drink na may collagen, Gluta, L-Carnitine, Vitamin C, at iba pang minerals; at Hyper Hydra Pressed Powder na may SPF 50 para sa flawless at healthy-looking na balat. 


Dito rin kinilala ng brand ang kanilang top city/municipality, district, at provincial distributors, pati na rin ang kanilang top provincial at regional franchisees para sa first quarter ng 2024.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page