Proud kay Janine na Sexiest Woman Alive… “I’M THE LUCKIEST BOY ALIVE!” — ECHO
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 16, 2026

Photo: Jericho Rosales at Janine Gutierrez / Instagram
Proud boyfie si Jericho Rosales sa girlfriend na si Janine Gutierrez who was hailed “The Sexiest Woman Alive for 2026” ng Esquire PH.
Ipinost ni Jericho ang cover ng magazine showing Janine’s sexy form at on point ang caption ng aktor.
Sabi ni Jericho, “And I’m the luckiest boy alive.
“Congrats, baba! Cheers to more snackccidents and liempo lunches + Coke together.”
Ang sweet ng sagot ni Janine na, “Babuuuuuu!!! Ily (I love you), thank you.”
‘Yun pa lang ang mga exchange of words ng dalawa, pero marami na ang kinilig. May mga nag-congratulate rin sa aktor for having Janine as his GF na ‘di lang super sexy, beauty and brains pa.
Idagdag ding mabait si Janine, kaya ang tanong kay Jericho, may plano na ba silang magpakasal?
nMay pasaway lang na comment na talagang suwerte si Jericho Rosales dahil single si Janine Gutierrez, samantalang siya ay kasal pa. Hinihintay ng mga fans ang sagot ng aktor dahil siya lang ang makakasagot sa isyung kasal pa siya.
Pinuri ng mga netizens ang co-parenting setup nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar sa anak nilang si Calix Ho. Maayos, walang ingay at walang gulo ang dalawa in raising their son. Nakita ang magandang relasyon nina Dennis at Carlene sa laban ni Calix sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 88 Collegiate Men’s Fencing Championship, kung saan naka-gold medal nga ito.
Ang gandang tingnan ng group hug nina Dennis, Carlene at Jennylyn Mercado nang i-announce na si Calix ang champion. Kasama ring nakisaya sa mga parents ang kapatid ni Calix kay Carlene, and it was a fine example of how a blended family works na hindi kailangang mag-away-away.
‘Champ’ ang tawag ni Dennis kay Calix at sabi pa nito, “You deserve this… you made us all proud. Congrats, Champ. We love you.”
Marami ring post sa Facebook (FB) si Jennylyn sa naging laban ni Calix, who is very close to Jazz, Jennylyn’s son.
Samantala, suportado ng mga fans si Dennis na minura ng isang basher dahil lang sa comment ni Dennis na, “Masarap sa pakiramdam ‘pag pinaghirapan,” na ang tinutukoy ay ang malapit nang matapos na malaking bahay nilang mag-anak.
Reaksiyon ng basher, “Eh, ‘pag ‘di ba pinaghirapan, ‘di masarap sa pakiramdam? King **a ka.”
Sagot ni Dennis, “Hi, ganda. Joke lang po.”
Pero hindi lang iyon ang sagot ni Dennis, may pahabol pa siyang tanong na, “Pinaglihi po ba kayo sa undin?” na kinaaliwan ng mga netizens.
Deserve raw ng basher ang comment ni Dennis dahil minura niya ito gayong wala namang ginawa sa kanya. Hindi na nga nakahirit ang basher sa rami ng nag-bash naman sa kanya dahil sa pagmumura sa aktor.
INAABANGAN na kahit ng mga casual fans at viewers ang airing ng musical drama ng GMA na Born to Shine (BTS) dahil matagal na raw walang ganitong concept sa telebisyon.
Malaki ang expectation ng mga fans na magiging successful ang airing nito na magsisimula sa March 23, lalo na’t si Rod Marmol ang director ng series na magaling sa
ganitong genre.
Tampok sa BTS ang love team nina Zephanie at Michael Sager at sabi nga ng mga fans, kapag naging successful ang airing nito, baka ito na ang maging rason para mas sumikat pa si Zephanie at ang love team nila ni Michael.
Iniba ang hairstyle ni Zephanie rito, kinulot ang hair niya na sabi nito, sa pagkulot pa lang ay inaabot na ng isang oras. Challenge rin sa kanya ang makasama ang magagaling na aktres at singer na sina Manilyn Reynes, Tina Paner at Vina Morales.
“Marami ang makaka-relate sa kuwento at sa songs sa series. Maganda ang OST (official soundtrack) ng series, naka-relate ako sa mga songs,” pagmamalaki ni Zephanie.
Singer in real life si Zephanie Dimaranan kaya hindi siya masyadong nahirapan sa role niya, lalo na sa mga eksenang kakanta siya.
Si Michael Sager, aminadong nag-voice lesson pa bilang paghahanda sa kanyang role sa nasabing musical drama series.




Comments