top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Proud Idol palaban sa PRBHS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2021
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 10, 2021



Walong magandang karera ang pakakawalan ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Isa sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng 10 tigasing kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa Race 2 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Posibleng makakuha ng suporta sa mga karerista ang mga kalahok na sina Proud Idol, Hawk Eye at Iron Hook na sasalang sa distansiyang 1,300 meter race na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Ang ibang kalahok ay sina Excellence, Ava's Tale, Right Answer, Fire Council, Iniki Runner, Temple Key at Juliana's Gold. Nakalaan ang P100,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Samantala, masusubukan ang tikas ni Chancetheracer na sasabak sa "Imported Challenge Stakes Race A" na ilalarga sa Metro Manila Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Linggo.


Nagpasiklab noong nakaraan si Chancetheracer nang manalo sa Klub Don Juan De Manila Golden Girls na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Nobyembre 28.


Inaasahang mabibigyan ng matinding laban si Chancetheracer kontra sa pito pang tigasing kalahok sa distansiyang 1,600 meter race.


Gagabayan ni Jessie B. Guce, makakatagisan ng bilis ni Chancetheracer ay sina In The Zone, Gomper Girl, Doc Boy, Runway, Our Tito, Full Stream at Righteous Ruby.


May guaranteed prize na P1M, hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P600,000, mapupunta sa pangalawa ang P225,000 habang tig-P125,000 at P50,000 ang 3rd at 4th placer.


Kukubrahin ng breeder ng winning horse ang P50,000.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page