top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Proud dad daw… CESAR, 'DI ALAM KUNG MAY BF NA ANG MGA ANAK KAY SUNSHINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 27, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 27, 2023



Magkasama uli sina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa pagtatapos ng kanilang bunsong anak na si Chesca Montano sa tinatawag na journey with the “Search In”, isang organization sa school na pinapasukan nito.


Marami ang nag-congratulate kay Chesca, pati na rin sa kanyang mga magulang na sina Cesar at Sunshine.


Sa congratulatory post ni Cesar sa social media para sa bunsong anak, makikitang itinag pa niya ang dalawang babaeng kapatid nito kay Sunshine, ang panganay na anak na si Diego Loyzaga, at ang kanyang partner ngayon na si Socorro “Kath” Angeles.


Kasama rin sa school event ni Chesca ang isa pang anak na lalaki ng aktor at kitang-kita sa mga pictures na masaya ang lahat.


Very proud si Cesar sa kanilang mga anak ni Sunshine na nagtapos with honors. Kaya ang payo niya sa mga ito ay magtapos upang makahanap ng magandang trabaho.


Magaganda ang tatlong dalaga ng dating mag-asawa, pero ‘di pa alam ng aktor kung may mga dyowa na ang mga anak.


Naalala namin ang sagot ni Cesar sa mediacon/screening ng TV5’s Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na masaya siya sa estado ng relasyon nila ni Sunshine ngayon, “I’m happy where we are right now. Focus kami sa relasyon namin as friends. Hindi ko ine-expect na magiging friends kami. I’m thankful na masaya ang lahat.”


Sa isang post sa Facebook, nabanggit naman ni Cesar na bumalik na sa Australia si Diego to be with his partner and baby girl at nagpasalamat ito na binisita muna siya ng anak bago bumalik sa nasabing bansa.


Sabi pa ni Cesar, “Give my love and kisses to Hailey and Alexis,” na pangalan ng baby girl at partner ni Diego respectively.


Samantala, airing na ngayon sa TV5 ang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan at sa pilot week pa lang ng series, ang dami nang nangyari. Isa sa mga tiyak na mangyayari ay kikiligin ang mga viewers kina Cesar at Cristine Reyes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page