Protektor daw ni Sen. Bato… KONTRATA NG GMA TALENTS KAY CHAVIT, IPINAKAKANSELA
- BULGAR
- 3 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 18, 2026

Photo: Sue Ramirez - IG
Nanawagan ang isang netizen sa social media na kanselahin ang kontratang pinirmahan ng Sparkle artists kay dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson para sa isang proyekto.
Ipinost ng isang concerned netizen ang larawan ni Chavit kasama ang mga Kapuso execs at ang ilan nilang artists during a contract signing event.
Caption ng netizen sa post niya sa X (dating Twitter), “With allegations that Chavit Singson is protecting/hiding Bato, GMA Network, puwedeng paki-cancel n’yo ang kontrata n’yo sa kanya?”
Sey naman ng mga netizens…
“Akala n’yo talaga, merong prinsipyo ang mga networks?”
“Hahaha! Wala naman palang ipinagkaiba sa mga iba’t ibang TV networks...”
“Pera-pera lang ‘yan. LOL (laugh out loud).”
Bukod sa tsika ng netizen na itinatago ni Chavit Singson si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, umugong din ang balitang sa Davao City lumipad ang controversial politician matapos niyang makalabas ng Senado.
Ganern?
KAUGNAY naman ng umiinit na usapin tungkol kay Sen. Ronald dela Rosa at sa mga bali-balitang pagtulong umano sa kanya para makaalis ng Senado at makabalik sa Davao City, may ilang celebrities na nagpahayag ng kani-kanilang reaksiyon sa social media.
Isa na riyan si Wilbert Ross na nag-post sa X (dating Twitter), bagama’t walang direktang pagbanggit sa pangalan ng senador at sa lugar na tinutukoy nito.
Post ni Wilbert, “‘Pag talaga may nakita akong taga-Manila rito, ah.”
Hindi man diretsong sinabi ni Wilbert kung nasaan siya, pero maraming netizens ang nag-isip na malamang ay nasa Davao siya dahil doon naman talaga naninirahan ang aktor, pati ang pamilya niya.
Sinakyan naman ng mga netizens ang trip ni Wilbert sa kanyang post at ilan sa mga comments nila…
“Hahaha! Pambato ko pa naman sana si Mars ko @LikhaNiWilbert.”
“Isabay mo na lang pauwi.”
“‘Wag kayong magpakita kay Wilbert.”
‘Yun na!

