top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Proteksyon ng mga journalists sa Gaza, ihinirit ng mga media outlets sa ilang bansa

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 1, 2024




Umabot sa 30 news outlets ang lumagda sa isang open letter upang ipakita ang kanilang pakikiisa at pagtindig sa kaligtasan ng mga journalists na nakakaladkad sa Gaza.


Pinangunahan ng Committee to Protect Journalists na inaprubahan ng international news agencies at ibang mga media outlets mula sa iba't ibang lugar sa mundo.


Nakasaad sa liham na limang buwan nang kumakayod ang ilang journalists na nasa Gaza na pinagmumulan ng mga impormasyon patungkol sa mga kaganapan sa lugar ng mga Palestinian.


Iginiit din sa kasulatan na sibilyan din ang mga journalists kaya karapatan ng mga itong maprotektahan ng mga Israeli authorities alinsunod sa batas.


May 89 na ang naitalang nasawi sa mga journalist at media workers sa Gaza, ayon sa huling report ng Committee to Protect Journalists.


Matatandaang nagsimulang maipit ang mga journalists ng Gaza simula ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page