top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Proteksiyon ng konsumer vs. scammer na sellers, now na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | October 28, 2020


Ngayong community quarantine, naging parte na ng ating buhay ang mga transaksiyon online dahil bawas physical contact, gayundin, hindi na kailangang lumabas ng bahay para mamili ng pangangailangan.


Pero ‘ika nga, hindi lang convenience ang dala nito dahil madalas, sa halip na makatulong ay dagdag-problema pa.


Kamakailan, kinumpirma ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na dumami ang kaso ng online scam at computer-related thefts sa bansa sa panahon ng community quarantine.


Base sa datos ng PNP-ACG, mahigit 800 online scams ang naitala mula Marso hanggang Setyembre 2020, na mas mataas ng 37.2% kumpara sa 633 kaso na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon.


Kaugnay nito, hihilingin ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Facebook na payagan ang consumer protection group na silipin ang ilang database ng mga online sellers bilang tugon sa nagsulputang reklamo laban sa mga ito.


Kabilang na sa mga reklamo ang may sira o maling item na natanggap ng buyer mula sa kanilang binili.


Kinakausap na rin umano ng DTI ang malalaking online shopping platforms na kung maaari ay tulungan ang mga small and micro enterprises na maging digital.


Hindi maitatangging lumaki ang e-commerce activity sa bansa, kaya dapat lang na palakasin ang consumer awareness at protection ng mga kostumer.


Tulad ng paulit-ulit nating panawagan, pakibilisan ang pag-aksiyon sa mga natenggang reklamo sa mga online seller.


Hangga’t hindi nasasampolan at natuturuan ng leksiyon ang mga scammer na ito, hindi magiging isandaang porsiyentong ligtas ang mga online transactions.


Panahon na para protektahan ang mga konsumer laban sa mga scammer.


Ngayong halos lahat ay sa online shopping lang umaasa, tiyakin nating ligtas ito para sa mga konsumer at iwas-scam.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page