Proteksiyon laban sa mga taong mapanira at tsimosa
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 30, 2022
Sa kaso na pinamagatang SpousesHing versus Choachuy (G.R. No. 179736 June 26, 2013), na isinulat ni Honorable Former Associate Justice Mariano C. Del Castillo, binigyang-kahulugan ng Korte Suprema na ang karapatang magkaroon ng pribadong buhay ay ang karapatang mapag-isa. Nakasaad sa nasabing kaso ang mga sumusunod:
“The right to privacy is the right to be let alone.
The right to privacy is enshrined in our Constitution and in our laws. It is defined as “the right to be free from unwarranted exploitation of one’s person or from intrusion into one’s private activities in such a way as to cause humiliation to a person’s ordinary sensibilities.” It is the right of an individual “to be free from unwarranted publicity, or to live without unwarranted interference by the public in matters in which the public is not necessarily concerned.” Simply put, the right to privacy is “the right to be let alone.”
The Bill of Rights guarantees the people’s right to privacy and protects them against the State’s abuse of power. In this regard, the State recognizes the right of the people to be secure in their houses. No one, not even the State, except “in case of overriding social need and then only under the stringent procedural safeguards,” can disturb them in the privacy of their homes. Xxx”
Kung ating pagninilayan ang desisyon ng Korte Suprema, makikita natin kung gaano kahalaga ang karapatan ng tao sa pribadong buhay. Kaugnay nito ang karapatang huwag pakialaman sa kanyang pribadong buhay at iwanan siyang mag-isa. Malinaw na sinasabi ng naturang desisyon ang karapatan ng tao na maiwang mag-isa at ang mabigyan ng respeto ang kanyang mga aktibidades na wala namang kinalaman sa publiko. Kapag sinabing ang tao ay may karapatang hindi mapakialaman sa kanyang pribadong buhay, kasama rito na hindi siya dapat siraan sa ibang tao.
Bagama’t kinikilala rin ng batas ang karapatan ng tao na magsabi ng kanyang saloobin, hindi ito nangangahulugang siya ay magkakaroon ng karapatang sirain ang reputasyon ng kanyang kapwa tao, katrabaho o ng kompanyang kanyang pinaglilingkuran. Marapat na kanyang igalang ang katahimikan ng buhay ng bawat indibidwal at ng kanyang pinagtatrabahuan at maging ng kanyang pamayanan. Ang taong walang pakundangang magkalat ng mapanirang tsismis ay maaaring managot sa batas.
Sa parehong kaso na binanggit sa unahan ng artikulong ito, binigyang-linaw din ng Korte Suprema na ang paggamit ng video surveillance ay marapat na hindi dapat masakop ang mga lugar, kung saan inaasahang magkaroon ng makatwirang paggalang sa pribadong buhay ng tao maliban na lamang kung may pagsang-ayon ang angkop na taong maaapektuhan ng nasabing video surveillance. Sabi ng Korte Suprema:
“In this day and age, video surveillance cameras are installed practically everywhere for the protection and safety of everyone. The installation of these cameras, however, should not cover places where there is reasonable expectation of privacy, unless the consent of the individual, whose right to privacy would be affected, was obtained. Nor should these cameras be used to pry into the privacy of another’s residence or business office as it would be no different from eavesdropping, which is a crime under Republic Act No. 4200 or the Anti-Wiretapping Law.”
Malinaw sa nasabing desisyon na kung may karapatan ang tao na maglagay ng video surveillance para sa kanyang seguridad, hindi dapat nito masakop ang lugar, kung saan inaasahan ang rasonableng paggalang sa pagkapribado o privacy ng indibidwal. Nangangahulugan din na hindi dapat magamit ang mga nasabing video surveillance para tiktikan ang privacy ng bahay o opisina ng tao, sapagkat ang aktong ito ay hindi naiiba sa eavesdropping na pinarurusahan ng Republic Act (R.A.) No. 4200 o ang Anti-Wiretapping Law.
Upang mabigyan ng bayad-pinsala ang taong biktima ng paglabag sa kanyang pribadong buhay, maaaring magamit ng nasabing biktima ang probisyon ng Article 26 ng New Civil Code of the Philippines para sa bayad-pinsala, kung saan nakasaad na:
“Art. 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief:
1. Prying into the privacy of another’s residence;
xxx xxx xx”





Comments