Prosecution: Mahirap ipaliwanag ang P4.4-B transaksyon ni Sara Duterte

by BRT @News | October 7, 2026

Photo: Sara Duterte FB - Senate PH
Sumang-ayon ang prosecution panel at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na mahirap ipaliwanag ang P4.4 bilyong financial transactions na nauugnay kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang mga kaanak.
Sa impeachment trial nitong Martes, sinabi ng prosecution na kahit pagsama-samahin ang net worth na idineklara ni Duterte sa kanyang mga SALN, hindi pa rin ito aabot sa halaga ng mga transaksyon na naitala ng AMLC.
Ayon kay prosecutor Benjamin Tolosa Jr., nasa P840 milyon ang kabuuang net worth na idineklara ni Duterte mula 2007 hanggang 2025, habang P336 milyon naman ang mula 2022 hanggang 2025.
Gayunman, nilinaw ng prosecution na hindi dapat basta-basta pagsama-samahin ang net worth sa bawat taon dahil hindi ito bumabalik sa zero kada taon.
Sinabi naman ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura sa pagdinig na hindi niya maipaliwanag ang malaking agwat sa pagitan ng idineklarang net worth at mga transaksyong naitala.
Ayon kay prosecutor Joel Chua, mas malaki pa ang maaaring aktuwal na halaga ng assets dahil ang P4.4 bilyong iniulat ng AMLC ay tumutukoy lamang sa cash transactions at hindi kasama ang mga ari-arian gaya ng lupa, bahay, sasakyan at alahas.
Dahil dito, sinabi ng prosecution na kailangan umanong maipaliwanag ni Duterte ang pinagmulan ng naturang pondo habang nagpapatuloy ang impeachment trial kaugnay ng alegasyon ng unexplained wealth at hindi pagdedeklara ng assets sa kanyang SALN.





Me pareció interesante la forma de organizar este tipo de información. Si se quiere confirmar un resultado loteria, disponer del nombre del sorteo y la fecha permite realizar una comprobación mucho más precisa.