Proposal, inilabas nu'ng Easter Sunday… MAJA, IKAKASAL NA SA NON-SHOWBIZ BF
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 19, 2022

Mismong Easter Sunday nga kaya talaga ginanap ang marriage proposal ni Rambo Nuñez sa actress girlfriend niyang si Maja Salvador o sa araw lang na ito ipinost ang mga larawan nila sa kani-kanilang Instagram account?
Kaya pala sa nakaraang pirmahan ng contract renewal ni Maja sa TV5 ay napapangiti siya sa tanong tungkol sa pagpapakasal, na dahil sa dami pa ng gagawin niya sa TV5 at Cignal ay malabo pa siyang mag-asawa.
Ang sagot ni Maja that time, “'Pag darating po, darating. Hindi ko rin po alam, eh. Huwag din naman nating tanungin ngayon si Rambo. Kumbaga, kung mangyayari po, mangyayari. And 'yun, ever since naman, simula nang maging kami, hindi naman namin ipinagdamot ni Rambo 'yung story namin. So, kung mangyayari po, huwag kayong mag-alala.”
Samantalang si Rambo ay wala namang reaksiyon at hindi nakitaan na, "Hey, magpo-propose na ako sa Holy Week.”
Palaisipan sa amin na dumating ng Pilipinas ang nanay ni Maja kasama ang kanyang Canadian stepdad at nanood pa sa mediacon ng dalaga noong Abril 5. Pero at the same time ay naisip din namin na baka lang gustong magbakasyon sa Pilipinas at true enough, magkakasama sila nina Maja at Rambo, plus mga kapatid ng dalaga, sa Palawan.
Tsinek namin ang IG account ng mommy ni Rambo na si Ms. Marilen Nuñez at may post din siyang magkakasama silang pamilya nitong Lunes nang gabi na ang caption ay: “United in Love.”
Anyway, ang caption ni Maja sa kanyang post na hawak ang wine glass na halatang ipinakita ang heart-shaped diamond engagement ring, “My new beginning @rambonunez (ring, heart emojis).”
At si Rambo naman ay nag-post din ng larawan nila ng aktres na magkayakap at hawak nito ang kamay na suot na ang singsing.
Ang caption ng binata: “The best part is yet to come my love @maja (ring, heart emoji).”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay mahigit isang libo na ang bumati sa IG ni Rambo na pawang mga celebrities at mga kaibigan.
Kulang apat na libo naman ang bumati kay Maja sa IG niya mula sa mga in and out of showbiz na kaibigan nila ni Rambo.
Nangungunang bumati kay Maja ang kaibigan at nagmana ng korona niyang Queen of Dance Floor sa ASAP Natin ‘To na si Kim Chiu, “Congrats Maj!!!! Finally!!!! Congrats @rambonunez.”
Hindi na namin inisa-isa ang mga taga-showbiz na bumati sa dalawa dahil tiyak na kulang ang espasyo natin dito sa BULGAR.





Comments