top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Promotional discounts para sa mga senior citizens

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 18, 2021



Dear Chief Acosta,

Senior citizen na ang nanay ko at noong bumili kami sa grocery ay hindi siya binigyan ng 20% discount para sa mga senior sa kadahilanang naka-promotional discount na diumano ang kanyang binili ng 30%. Tama ba ang ginawa sa grocery? – Jeli


Dear Jeli,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act (R. A.) No. 7432, as amended by R. A. No. 9257, o ang “Expanded Senior Citizens Act of 2003.” Nabanggit sa Section 4 ng nasabing batas na:


“SEC. 4. Privileges for the Senior Citizens. –


“In the purchase of goods and services which are on promotional discount, the senior citizen can avail of the promotional discount or the discount provided herein, whichever is higher.”


Malinaw na nabanggit sa nasabing probisyon ng batas na kapag bumili ang senior citizen ng kalakal o anumang serbisyo na naka-promotional discount ay maaari lamang niyang mapakinabangan ang isa sa mga ito, kung alinman ang mas mataas ang diskuwento sa pagitan ng senior citizen discount o promotional discount.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page