top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Promo na airfare

BULGAR
Oct 8, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 8, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako ay Person with Disability (PWD) na bumili ng airfare ticket na gagamitin ko para sa pag-uwi sa probinsya. Subalit, nang babayaran ko na ito ay nalaman kong hindi ko na puwedeng gamitin ang aking PWD discount sapagkat ito diumano ay 50% sale na. Tama ba ito? - Nichole


Dear Nichole,


Para sa iyong kaalaman, ang regulasyon na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Sec. 6.5 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 9442. Ang nasabing regulasyon ay nagpapatupad sa mga probisyon ng “Magna Carta for Persons with Disability”. Ayon dito:


“6.5 Air and Sea Transportation Privileges – At least twenty percent (20%) discounts in fare for domestic air, and sea travel based on the actual fare except promotional fare. If the promotional fare discount is higher than the twenty percent (20%) discounts privilege, the persons with disability may choose the promotional fare and should no longer be entitled to the twenty percent (20%) discounts privilege.” (Binigyang-diin)


Ayon sa batas, ang ating mga PWD ay may karapatan para sa discount na hindi bababa sa 20% para sa kanilang pamasahe sa domestic air travel o air ticket para sa mga domestic flights. Subalit, ang nasabing discount ay hindi na maaaring gamitin kung ang nasabing air ticket ay naka-sale na sa halagang mas malaki sa 20%. Ibig sabihin, tama na dahil mas malaki na sa 20% ang nakuha mong discount para sa iyong airfare ticket ay hindi mo na maaaring gamitin o idagdag pa ang iyong PWD discount para rito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page