ni Fely Ng @Bulgarific | June 4, 2023
Hello, Bulgarians! Nagpaliwanag si Social Security System (SSS) Account Management Group Acting Head Neil F. Hernaez (kaliwa) kay Philippine Association of Manning Agencies and Shipmanagers, Inc.
(PAMAS)-International Maritime Association of the Philippines (INTERMAP) President Captain Juanito G. Salvatierra, Jr. ang social security coverage na inaalok ng SSS sa katatapos na 1st General Membership Meeting ng PAMAS-INTERMAP na ginanap sa AMOSUP Convention Hall, Seamen's Center Building sa Intramuros, Manila.
Sa nasabing event, ipinakita ni Hernaez ang SSS Programs for Seafarers. Aniya, sa ilalim ng Section 9-B ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018, ang mga manning agencies ay itinuturing na employer ng mga seafarer.
Tinalakay ni Hernaez ang saklaw ng SSS, mga kontribusyon, benepisyo, loan, at ang Workers' Investment and Savings Program (WISP). Nagprisinta rin siya ng mga update sa mga pagpapahusay sa mga pasilidad ng SSS upang mapabuti ang mga serbisyo nito sa mga miyembro.
Dumalo rin sa event sina SSS Public Affairs and Special Events Division Concurrent Acting Head Carlo C. Villacorta at SSS NCR Large Accounts Department Acting Head Henry D. Bonete, na tumulong kay Hernaez sa pagsagot sa mga tanong sa open forum.
Comments