Produ ng 4 na dekadang noontime show… PAMILYA JALOSJOS, NA-BASH, LABAN-BAWI, EB!, ITUTULOY PA RIN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 13, 2023

Bagama't may pasabi na ang pamunuan ng Eat… Bulaga! na sa April 15 pa sila magpapa-presscon at magbibigay ng statement sa status ng longest-running noontime show, may naging pahayag na tungkol dito ang isa sa mga anak ni Romeo Jalosjos na major shareholder sa EB!.
Tiniyak ng mga Jalosjos na hindi bubuwagin-papalitan ang programang Eat… Bulaga! at hindi aalisin sina Tito, Vic and Joey, at maging ang iba pang hosts ng show, ganu'n din ang mga dating staff at writers nito.
May pasabi na rin daw ang kampo ni Mr. Tony Tuviera na magreretiro na siya sa kanyang puwesto kaya ang tatlong anak ni Romeo Jalosjos na ang mamamahala at magpapatakbo sa Eat… Bulaga!.
At hindi na rin connected ang T.A.P.E. Inc. sa Eat… Bulaga!.
Well, nakarating sa pamilya Jalosjos ang feedback ng mga netizens at marami ang negatibong komento. Na-bash sila nang husto, kaya nagkaroon ng pagbabago sa nauna nilang desisyon. Dahil dito, itutuloy pa rin daw ang Eat…Bulaga!.
May ilang supporters naman ni Mr. Tony Tuviera ang nagsabing unfair ang bigla na lang siyang inalis sa puwesto. Mahigit na apat na dekada ang kanyang ibinigay upang mabuo at maging matagumpay ang Eat… Bulaga! at hindi biro ang ganu'ng katagal na panahon na ginugol niya sa show.
Mr. Tony Tuviera is the man behind the success of Eat… Bulaga!





Comments