top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Problemado sa lulutuin, wa' raw diskarte… JUDAY, SINOPLA NG KAPWA CHEF

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 13, 2022




Nag-iisip si Judy Ann Santos ng alternatibo sa iluluto niyang putahe para sa kanyang online cooking show. Umaangal na rin kasi ang chef-actress sa taas ng presyo ng mga bilihin.


Ani Juday, "Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala."


“Ayaw kong maka-relate ‘yung viewers sa kung anumang lutuin ‘yung gagawin ko, kasi parang napaka-unfair naman, ‘di ba?” dagdag pa niya.


Isang dating master chef ang nagbigay ng reaksiyon sa hinaing ng aktres.


“Diskarte ghorl…. mag-isip ka ng mga puwede mong ipalit na ingredients. Juicemio…. palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral, eh….” wika ni Chef Pebbles Cunanan.


Dagdag pa niya, “Juday, 'wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school. Ang pagtaas ng mga bilihin, normal 'yan. Ang hindi normal, 'yung CHEF ka, tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puwede mong gamiting ingredients sa pagluluto.


"Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya 'yung lugaw ni Leni... chozzzz."


Isang netizen din ang nagkomento na, "'Yan si Judy Ann Santos, hindi muna nag-iisip bago pakawalan ang sasabihin sa ere. Kumbaga sa pagma-manage, mahina siya sa decision making. Dapat balanse. Kung may natutunan siyang mga ingredients para sa first class na customer, dapat meron din siyang nakahanda para sa middle or lower class standard."


Ayon naman sa isang netizen, hindi dapat iasa lang ang mga iniluluto sa napag-aralang putahe. Maging productive raw dapat, mag-experiment ng putaheng gustong lutuin.


Malalaman daw na mahusay na cook ang isang chef kung marunong dumiskarte ng mga recipe na gustong lutuin na hindi base sa pinag-aralan lang.


Sabagay, true naman 'yun

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page