top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Prize money ni Murray para sa Ukraine; Sambo at Marathon, tampok sa TOPS

BULGAR
Mar 10, 2022
1 min read

ni MC - @Sports | March 10, 2022



Nangako si dating world number one Andy Murray kahapon na ido-donate niya ang kanyang premyo mula sa tennis tournament na kanyang lalahukan sa buong taon ng 2022 para sa apela ng UNICEF na tulong sa Ukraine.


Ayon sa British player nakipag-ugnayan na siya sa United Nations children's agency upang matulungan ang mga biktima ng digmaan bunga ng pagkubkob ng Russia sa Ukraine. Nakapagtala na ang UNHCR, ang UN Refugee Agency ng mahigit sa 2 milyong refugees at naniniwala ang UNICEF na daan libo sa mga ito ay pawang kabataan. "Over 7.5m children are at risk with the escalating conflict in Ukraine, so I'm working with @UNICEF_uk to help provide urgent medical supplies and early childhood development kits," ayon sa tweet ni Murray.

Samantala, makabuluhang talakayan ang muling ihahatid ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Marso 10, ganap na 10:00 a.m. via Zoom. Isyu sa sports na ‘sambo’ – isa sa sumisikat na martial arts sa bansa – ang highlight ni Paolo Tancontin, pangulo ng Pilipinas Sambo Federation Inc., sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), at PAGCOR.


Magbibigay naman ng pinakabagong kaganapan sa Laban ng Lahi Platoon Run Challenge sa pangangasiwa ni Mr. Joenel Pogoy sa programa na mapapanood ng liverstreaming sa TOPS officials Facebook page at YouTube.


Ang TOPS ay samahan ng mga editors, kolumnista at sportswriters mula sa mga premyadong pahayagang pang-masa sa bansa. Iniimbitahan ni TOPS president Beth Santos-Merana ang lahat ng mga opisyal, miyembro at sports enthusiast na makiisa sa talakayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page