top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Game na raw maging single mom… PRISCILLA, 'DI NA FEEL BALIKAN SI JOHN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 16, 2024



Showbiz News
Photo: Priscilla Meirelles - Nice Print Photography

Balik-‘Pinas na ang beauty queen na si Priscilla Meirelles mula sa kanyang pagbabakasyon sa Brazil. 


Dumalo siya sa kasal ng isang family friend at mukhang wala pa siyang balak na makipagbalikan sa kanyang mister na si John Estrada. 


Sa isang subdivision sa Manila siya titira at hindi sa dating bahay nila ng asawa. Paninindigan na ni Priscilla ang kanyang pagiging single mom, at marami siyang plano sa kanyang buhay ngayon.


Sabi nga ni Priscilla, ngayon niya na-realize na walang sinuman ang puwedeng manakit sa kanya kung hindi niya pahihintulutan na mangyari 'yun. 


Sa darating na Setyembre ay magiging 41 years old na si Priscilla Meirelles. Gusto niyang magkaroon ng bagong chapter sa kanyang buhay na mas makabuluhan. Hindi na niya maibabalik ang mga nasayang na taon sa kanyang buhay, pero sisikapin niyang makabawi para sa kanyang anak. 


At kung anuman ang mga pagbabagong kanyang gagawin, tiyak na ni Priscilla na hindi niya ito pagsisisihan.



NA-APPOINT si Gladys Reyes na member ng Appeals Committee ng MTRCB bilang kinatawan ng TV industry. Ang Executive Secretary na si Lucas Bersamin ang nag-officiate ng oath-taking ni Gladys na ginanap sa Malacañang. 


Para kay Gladys Reyes, isang malaking karangalan ang mapili bilang member ng Appeals Committee ng MTRCB. Madalas siyang napapanood sa mga TV series, kaya alam niyang malaking responsibilidad ang ibinigay sa kanya sa MTRCB. 


Magsisilbing challenge rin ito kay Gladys dahil malawak ang nasasakupan ng television. Nauso pa ang mga tattoo ngayon, kaya kailangang bantayan niya ang mga palabas sa TV. 


Mahigit tatlong dekada na ang ipinamalagi ni Gladys Reyes sa showbiz, at more or less, alam niya ang mga kaganapan sa TV industry. 


Marami siyang matututunan sa kanyang puwesto sa MTRCB. For sure, magiging patas si Gladys sa mga aapela. Alam naman niya kung ano'ng palabas ang puwedeng panoorin ng mga kabataan. 


Ang panunumpa ni Gladys sa kanyang posisyon ay sinaksihan ng kanyang ina at kapatid.



Nagbigay para sa double gold medalist…

PAYO NI CHAVIT: P5 MILYON, I-SHARE NI YULO SA PAMILYA


Chavit Singson, Carlos Yulo at Angelica Yulo - Circulated

Nagbigay ng karagdagang cash incentive na P5 million si dating Gov. Chavit Singson sa two-time gold medalist sa Olympics na si Carlos Yulo. At dahil aware si Manong Chavit sa tampuhan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nagbigay siya ng advise o bilin dito. 


Sinabi ni Chavit nang ibigay ang P5 milyon na hindi lang daw para sa double gold medalist ang incentive, kundi para rin sa kanyang mga magulang at mga kapatid. 


Halos lahat ay iisa ang naging payo at paalala kay Carlos, ‘wag daw magmalaki at respetuhin ang magulang, at sana nga, ma-realize ito ng athlete.


Samantala, sa darating na Lunes, August 19, ang mga atleta na lumahok sa Paris Olympics ay bibigyan ng pagkilala sa Senado. Pagkakalooban sila ng Senate Label of Excellence. 


Dahil sa tagumpay ni Carlos Yulo sa Paris Olympics, nabigyan ng pasasalamat ng ating mga mambabatas ang kagalingan ng ating mga atleta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page